PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HINDI kami sure kung naging magkaibigan ba o kaswal na nagkikita lang sa showbiz sina Heart Evangelista at Vice Ganda.
This weekend kasi ay pinag-usapan ang tila pag-shade raw ni Vice kay Heart nang dahil sa isyu ng ‘bulok na school at kawalan ng reading materials’ sa isang school sa Sorsogon.
Sa isang portion nga ng It’s Showtime nangyari ang muling pag-call out ni Vice sa gobyerno, kasama pa si Anne Curtis, na siyang nag-umpisa ng kakulangan ng ‘classroom” item.
Sa pagbanggit ng name ni Heart sa usaping pagbisita ni Vice sa lugar nito (Sorsogon), naikwento ni meme ang ipinagawa niyang bulok na school at ipinamahaging mga libro.
Sa reaksiyon ng mga netizen, sadyang patutsada raw kay Heart ang ginawa ni Vice. May humamon pa ritong dapat binanggit nito si Sen. Chiz Escudero na siya namang tunay na taga-Sorsogon, pati na ang gobernador na nag-imbita sa kanya roon dati.
“Ok lang magpasiklab siya on national TV ng ginawa niya. Pero sana naman sa narrative niya ay iwasan niyang mambatikos ng mga taong wala namang direct connection sa isyu. Napaghahalata naman talaga,” sey ng netizen na nagtatanggol kay Heart.
Wala pang pahayag si Heart hinggil sa isyu, pero sure ang marami na tila may kung anong nais na palabasin si Vice laban dito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com