PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGLABAS naman pahayag ang PA ni Heart Evangelista na si Resty Rossell hinggil sa pagbanggit na ginawa ni Vice Ganda sa aktres sa usaping pagbibigay tulog sa isang paaralan sa Sorsogon.
Sa sunod-sunod nitong post ay sinagot nito ang naging pagbanggit ni Vice kay Heart. Inumpisahan niya sa kung saang probinsya ba ni Heart ang tinutukoy ni Vice, na kesyo dapat sa DepEd manawagan ang host, at pati na ang 60% lang umanong kontribusyon (P63k) nito sa sinasabing pagpapagawa ng classroom na in three gives pa raw ibinigay.
Sabi pa ni Resty, 40% umano naturang project ay galing daw sa PTA ng naturang school.
Pati ang asawa ni DepEd Sec. Sonny Angara na si Tootsie Angara ay nabanggit pa dahil kaibigan umano nito ni Vice.
Hanggang sa monetization ng vlog nito at mga sponsor na siyang nag-donate ng mga sinasabing reading materials.
Umabot din sa mga listahan ng mga nakaupong officials ng Sorsogon ang sagot ni Resty na siyang dapat din daw na kino-call out ng host/actor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com