Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SB19 Filipino Music Awards

SB19 Big Winner sa Filipino Music Awards

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SOBRANG deserving naman ng SB19 sa mga napanalunan nilang awards sa katatapos na kauna-unahang Filipino Music Awards.

Out of nine nominations in various major categories, anim ang nakuha ng pinakasikat na Kings of P-Pop sa bansa.

Naiuwi ng tropa nina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin ang mga karangalang Pop Song of the Year for Dungka!, People’s Choice Artist, People’s Choice Song (also for Dungka!), Tour of the Year and Concert of the Year for Simula at Wakas, at ang most coveted award na Artist of the Year title.  

Matitindi ang nakalaban nila sa mga kategoryang nabanggit kayulad ng BINI, Cup of Joe, BGYO, Ben & Ben, Ely Buendia, Gloc 9, Maki, TJ Monterde, lV of Spades at iba pang icons sa music industry.

Bukod tanging ang Cup of Joe ang nanalo ng dalawang awards (Multo for Song of the Year at Silakbofor Album of the Year), aside from SB19.

Ang BINI na kilalang girl group naman ay masaya na kahit ‘lotlot’ at walang naiuwing award gaya ng iba pang mga nangangabog na artists like Sarah Geronimo, Regine Velasquez and the like.

Punompuno ang MOA Arena na roon ginanap ang event last Oct. 21 at nagsilbi rin itong venue para muling iparinig ang boses ng mga mang-aawit laban sa mga korapsiyon sa bansa.

Nagsilbing hosts ng seremonya sina Joey Mead King, Michael Sager, at Elijah Canlas

Binigyan ng Lifetime Achievement Award si Jose Mari Chan, habang ginawaran ng Tribute Award si Pilita Corrales na tinanggap ng apo nitong si Janine Gutierrez at kapatid, with Jericho Rosales as escort.

Mabuhay mga ka-Atin at ka-Mahalima, and the rest of the winners ng kauna-unahang Filipino Music Awards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …