Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymart Santiago Jodi Sta Maria Inday Barretto Claudine Barretto

Jodi nadamay, Mami Inday kinampihan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY mga nagtatanggol kay Jodi Sta. Maria dahil sa pagkakabanggit ng pangalan nito sa naging rebelasyon ni mommy Inday Barretto laban kay Raymart Santiago.

Although isang paalala o pagsasabing, “mag-ingat ka” lamang ang nabanggit ng nanay ng mga kontrobersiyal na Barretto sisters sa showbiz, para sa mga nagmamahal kay Jodi ay ‘damaging’ na ‘yun.

Kasabay din kasi sa naturang ‘paalala’ ang pagsangkot sa aktres na dumano’y nagpayo naman kay Raymart na huwag pirmahan ang sinasabing ‘bentahan ng lupa o property’ na nasa pangalan ni Claudine at sinasabing pag-aari talaga ng aktres.

Mismong si mama Ogie Diaz ay may sariling bersiyon ng kwento hinggil sa isyu lalo’t may source umano siyang “broker” na nagsabing naiipit at posible pang makasuhan (o kinasuhan na?) si Claudine ng nakabili ng nasabing lupa.

Hati man ang saloobin ng mga nakapanood ng interview sa nanay ng Barretto sisters, hindi maipagkakailang marami silang nakuhang bagong sympathizers.

Mga sympathizer na ngayo’y nagtatanong at may pagdududa sa tunay na katauhan ni Raymart.

Kahit pa nga naglabas ng official statement ang legal counsel ng aktor, marami pa ring nagdududa at kumukwestiyon.

Sa pagsasalaysay kasi ni mommy Inday na 89 years old na, hindi rito makikita ang pangamba o takot man lang sa mga binibitawang paratang kay Raymart.

Punompuno ng conviction ‘ika nga considering na hindi naman siya isang aktres na matatawag gaya ng mga anak niya. Hindi rin napuputol ang paglalahad nito ng mga detalye at sa paraan niya ng pagkukuwento, ay naging very convincing siya.

On the other hand, nakilala naman sa showbiz si Raymart na hindi mapagpatol sa eskandalo at ito pa rin ang ipinanlalaban niya–ang manatiling tahimik at hayaan ang mga abogado niya ang magsalita. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …