PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKAKALOKA ang kuwento ng bokalistang si Jayar Dator Vano, ng kilalang Jayheart Band sa socmed.
Sikat sa social media ang banda ni Jayar na naging Tiktok sensation sa mga gig nila sa Maldives. Umaabot ng milyon-milyong views ang mga ipino-post nilang mga kanta kaya naman hindi nakapagtatakang kontakin sila ni Ogie Diaz na humanga ng labis sa kanila.
“Nag-message po siya sa amin. Noong una, akala namin scammer dahil sino ba naman kami para pansinin niya? Kaya naman noong sinagot namin siya, hinamon natin itong i-shout out kami sa kanyang vlog, and the rest is history na po,” lahad ni Jayar.
Pumirma ng limang taong management contract ang Jayheart sa ating mama Ogs.
This 2026, may nakatakdang US at Canada tours ang banda kasama ang isa pang socmed sensation na si AERA, dating kontesera sa Tawag ng Tanghalan at nakasama rin sa Maldives nina Jayar.
Kapatid si Aera ni Charlotte na pamoso naman bilang ‘wife-partner’ sa Sweet Notes na may milyon-milyon ding views at subscribers sa socmed.
Congratulations and good luck!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com