PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BINIGYAN si Angela Muji ng Viva Beauty ng bagong endorsement.
Dahil “in na in” si Angela sa kanyang mga followers na mahilig sa “girlypop” cosmetics, siya ang bagong mukha at ambassador na Vibbigirl Angela.
Kagaya ng image ng dalagita, ang bawat Vibbi product ay nagra-radiate ng feel-good beauty — from the long-wearing Jelly Tint and color-changing Lip Oil to the dewy Liquid Blush and glossy Lip Oil and Lip Gloss.
“Sobrang saya po siyempre dahil muli silang nagtiwala sa akin. This time brand ambassador pa,” sey ni Angela na kikay na kikay sa pagkakaroon ng sariling beauty line sa Viva Beauty.
Sumikat si Angela simula sa Ang Mutya ng Section E, hanggang sa Seducing Drake Palma na nabuo ang team up nila ni Rabin Angeles.
May upcoming movie silang A Werewolf Boy, mula sa sikat na Korean hit project of the same title.
“Sino ba naman po ang hindi ma-overwhelm sa ganitong mga pangyayari? I am simply grateful and thankful at mag-focus lang po sa work,” hirit pa nito sabay segue na “mas lumalim na ‘yung friendship namin,” on her tandem with Rabin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com