Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erik Santos Regine Velasquez Gabay Guro

Regine at Erik pangungunahan pag-aliw sa mga guro

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

EIGHTEEN years na rin kaming volunteer ng Gabay Guro na muli ngang nagdiriwang ng Teacher’s Fest ngayong October 25 sa Meralco Theater.

Gaya ng mga taon-taon nitong pagdiriwang, maraming nakahandang mga sorpresa ang pamunuan sa pangunguna ng napakasipag nating kumare/madam Chaye Cabal Revilla, bilang Chairperson (among her other head titles under the Metro Pacific Investments Corp, including mWell).

Ang tema this year ay Sayawan, Kasiyahan, Kalusugan at Unli-Kantahan na mangunguna sina Jona, Jed Madela, Poppert Bernadas, Jamie Rivera, at sina Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid, para aliwin ang ilang libong mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa.  

Sina MJ Lastimosa at Dylan Menor ang magsisilbing host ng program, na kung ilang taon din naming ginawa sa maraming venues gaya sa MOA, Ilocos Norte, Butuan, Bohol, Leyte, at kahit abroad—Hongkong at Japan.

Halos lahat na yata ng showbiz icons ay naging parte na ng Gabay Guro at patuloy pa ring sumusuporta gaya nina Pops Fernandez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Dulce, Kyla, Mark Bautista, Christian Bautista, Jaya, Lani Misalucha, Albert Martinez, Julie Anne San Jose, Gabby Concepcion, at Sharon Cuneta.

Tiyak na aapaw na naman ang mga papremyo mula sa sponsors kasama na ang milyong cash prizes at brand new car na mapapanalunan ng mga mapapalad nating guro.

Congratulations po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …