PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PATULOY na pinag-uusapan ang pagiging “effective influencer” ni Heart Evangelista.
Nang dahil nga sa pagsuot nito ng singsing na regalo raw ng asawang si Sen. Chiz Escudero, may mga parunggit na naman ang mga basher ng kanyang pagiging ‘nepo wife.’
Good thing na mayroong expert in the field na nagbigay liwanag sa totoong presyo ng pinag-uusapang Paraiba Tourmaline ring.
“Magaling lang talagang magdala ng item si Heart. Na kahit siguro puwet ng baso ay magmumukhang super expensive kapag suot niya,” sey ng mga nagsasabing OA naman ang presyo ng naturang singsing.
Ang presyo nga lang daw ng naturang regalo ay tinatayang nasa P500k lamang kompara sa iniuulat na P56-M to P60-M.
Nag-originate sa Brazil ang singsing na ngayo’y isa na rin sa mga super expensive gems sa Japan. At dahil mayroon nga nito si Heart at regalo ng asawa niyang ayaw tantanan ng kontrobersiya, hayun at na-exaggerate na ang mga detalye.
Mahusay lang daw talagang influencer at effective na endorser si Heart kaya’t kahit mga simpleng bagay na kering-keri naman niyang magkaroon siya ay pilit ginagawan ng isyu ng mga trying hard na hanapan siya ng butas.
Mema kumbaga hahaha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com