Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Bea Binene

Wilbert pinuri ni Bea sa pagiging maalaga

ni Allan Sancon

MAGTATAMBAL sina Wilbert Ross at Bea Binene sa bagong Viva One series, Golden Scenery of Tomorrow, isang romantic series na ginawa ng Studio Viva sa pakikipagtulungan sa OC Records.

Hango ito mula sa best-selling na Wattpad novel ni Gwy Saludes. Ipinagpapatuloy ng serye ang matagumpay na University Series na umani na ng mahigit 695 milyong pagbasa online.

Mula sa tagumpay ng The Rain in España, Safe Skies Archer, Chasing in the Wild, at Avenues of the Diamond, hatid ang ikalimang kabanata na idinirehe ni Victor Villlanueca.

Gagampanan nina Bea at Wilbert ang karakter nina Avianna “Via” Diaz at Larkin “Arkin” Sanchez, mag-bestfriend na simula’t sapul. Sa kanilang pagiging magkaibigan ay unti-unting nahuhulog sa pagmamahalan na sinusubok ang kanilang samahan.

Sa media conference ay inilarawan ni Bea si Wilbert  bilang reliable loveteam dahil sa napaka-maalaga ni Wilbert sa set.

“Lagi niya tinatanong kung okay lang ba ako? Happy ba ako?  At mine-make sure niya rin  kung komportable ba ako sa mga eksena namin,” sambit ni Bea.

Mas kumikislap din ang serye sa pagbabalik ng Univerkada—sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Jerome Ponce, Krissha Viaje, Gab Lagman, Hyacinth Callado, Aubrey Caraan, Lance Carr, Nicole Omillo, at Jairus Aquino—na muling nagdadala ng pamilyar na energy at kilig na inaabangan ng fans.

Sa maselang paglalarawan ng pag-ibig, sakripisyo, at pagtuklas sa sarili, nangangako ang Golden Scenery of Tomorrow ng isa na namang hindi malilimutang kabanata sa University Series—isang kwento ng tagumpay at pagsubok ng kabataang umiibig.

Saksihan ang pinakamalaking pag-ikot ng serye at maranasan ang isang pag-ibig na maningning. Mapapanood ang Golden Scenery of Tomorrow simula Oktubre 18 sa Viva One, na may mga bagong episode tuwing linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …