SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PINABULAANAN ni Gerald Anderson na si Vanie Gandler, volleyball player ng Cignal PH ang dahilan kaya naghiwalay sila ng apat na taon niyang girlfriend na si Julia Barretto.
Ang paglilinaw ay naganap sa Showbiz Update ni Ogie Diaz.
Ani Ogie, tumawag sa kanya ang aktor para bigyang linaw ang mga naglalabasang tsika na ang third party ang magaling na volleyball player.
Anang aktor, hindi pa sila nagkakakilala ng personal ni Vanie.
“Tumawag sa atin si Gerald Anderson para linawin ang tungkol sa kanila ni Julia Barretto.
“Una na riyan ay hindi si Vanie Gandler ang dahilan (ng hiwalayan), matagal na raw itong Vannie Gandler issue, pero ito ay walang katotohanan talaga.
“Hindi nga raw niya ito nakilala ng personal, nakakausap, nakaka-text o nakatawagan.
“Nanonood lang daw siya ng laro ng volleyball pero hindi para tutukan si Vanie, ini-link lang siya rito.
“Sabi pa ni Gerald na iba ang dahilan ng hiwalayan at inako rin niya na siya ang may kasalanan ng break-up nila ni Julia.
“At hindi na ito idinetalye pa kundi tumawag lang siya sa amin para sabihing walang kinalaman ang volleyball player,” giit pa ni Ogie.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com