PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MULI namang nagpakilig sina Dustin Yu at Bianca De Vera matapos magsama sa music video ng Kinakabahan ng bandang Lily na inilunsad sa kanilang official YouTube channel.
Nagsama-sama ang bandang Lily, DusBia, at ang kani-kanilang fans sa isang watch party event na unang nasilayan ang ilang scenes mula sa music video.
Sey ng isang netizen, “Yung habang nanonood ka sa kanilang dalawa ‘yung ngiti mo hanggang tenga na pala haha.”
Panoorin ang music video ng Kinakabahan sa official YouTube channel ng Lily.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com