Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan ng mukha ay pinanggastos sa kampanya nitong nakalipas na halalan ang bahagi ng pondo ng isang itinayong gusali para sa kandidatura ng kanyang kapatid. Nakalulungkot dahil sa kagarapalan ng nasabing opisyal ng gobyerno ay hindi man lamang kinalahati ang pondo para sa proyekto kundi mas mataas pa ang halagang inilaan sa kampanya. Mantakin ninyo ipinadaan pa sa isang local official ang halagang P150 milyong “peso funds” para sa isang proyekto pero P50 milyon lamang ang napunta sa proyekto at ang P100 milyong ay napunta lahat sa kapatid ng naturang opisyal. Nanalo naman daw. Sa kabila na kilala, maimpluwensya, at mayaman ang angkan ng opisyal, wala pa rin pinalulusot sa ‘kickbacks’ sa ilang proyekto ng pamahalaan. Balita pa naman na kaya malakas ang opisyal ay nagbibigay ng campaign funds sa ilang mga tumatakbong politiko hindi lang natin alam baka nagbigay din sa pangulo kaya ganoon na lamang kalakas ang loob at ang grabeng tigas ng barag-baraga na mukha.Hindi mo naman puwedeng sabihing mahirap ang opsiyal na ito dahil mayroon silang bahay sa isang marangya at kilalang village sa Metro Manila bagamat ang kanilang pamilya ay kilalang mga politiko sa Mindanao. Sa bagay, magkakasabwat naman sila ng mga kaalyado niyang mga politiko din sa kanilang lugar kaya ganoon na lang kagarapal sa kanyang gawain. Oy Mr. Government Official, i-try mo kayang magkumpisal kay Fr. Anton. Bawas-bawasan mo naman ang iyong kasalanan at pagkagahaman para bago mawala sa mundo ay makahingi na ng tawad sa Panginoon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …