PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“WHAT you see is what you get,” ang matapang na pahayag nina Janella Salvador at Klea Pineda sa kung anuman daw mayroon sa kanilang dalawa.
Simula kasi nang makipag-hiwalay si Klea sa kanyang karelasyon na non-showbiz girl na si Katrice Kierulf, nakatutok ito sa kanyang pagiging Kapuso artist.
Hanggang sa pumutok na nga ang tsika ng kakaibang friendship nila ni Janella na ngayon nga’y nagsasalita na sa kung anong mayroon sila.
Sey ni Janella, “kung ano ang nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun. Para lang maging klaro, hindi po ako part ng break-up, hindi po ako third party. I would like to exclude from that.”
Although may mga kumakampi sa aktres pati na kay Klea, may mga nagsasabi namang ginagamit lang daw ng dalawa ang isyu dahil may project silang pinagsamahan at need ng isyu para may pag-usapan.
May mga naniniwala namang noon pa raw talaga nila naamoy ang ibang gender preference ni Janella. May nagsambit pa nga ng name ni Jane de Leon na umano’y huling nakarelasyon daw ni Janella.
Hay showbiz!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com