PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAY isang kaibigan si Ara Mina na nagbigay ng unsolicited tsika tungkol sa usapin ng pagiging best friends ng aktres at ni Sarah Discaya.
Dahil sa mas tumitindi ngang isyu sa Discaya couple hinggil sa DPWH scandal on flood control projects, hindi rin maiiwasan ng mga taga-showbiz na magtanong lalo’t si Ara raw ang nag-introduce kay Sarah sa showbiz.
Sey ng aming kausap, “may mga bagay kahit kaninong tao na hindi talaga basta naipapaliwanag. Sa pagkaka-alam naman namin ay never na iniwan ni Ara ang kaibigan sa ganitong usapin. Let’s just give them their due respect dahil sa democracy naman ay dapat binabalanse ang mga bagay-bagay.
“At saka sumailalim naman sa imbestigasyon ang Discaya couple. Isinumite nila ang kanilang sarili sa mga hearing na nagdulot ng matinding bashing sa kanila hanggang nitong kahit sa private homes nila ay nilulusob sila ng mga tao. Let the due process take it’s course,” hirit pa ng kausap namin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com