Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fruit Color Game Megabet

Fruit Color Game ng Megabet gawang Pinoy

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBA na talaga ang teknolohiya.

Noon ay nakikita namin sa mga sari-sari store ang larong fruit game na gamit ang tila videoke machine sa paglalaro o pagsusugal gamit ang sari-saring prutas.

Ngayon, gamit ang ating mga cellphone ay maaari na tayong magkaroon ng tsansa na manalo ng malaking halaga ng pera.

At kung noon ay kukunin sa may-ari ng tindahan ang baryang napanalunan, ngayon ay diretso na sa money app mo sa telepono ang malalaking papremyo, na kapag sinuwerte sa mataas na multiplier ay maaaring abutin ng daang libo o milyon pa nga.

Ito ay sa gawang-Pinoy na MegaBet ng Paradise na walang anumang konek sa fruit game noong araw sa mga tindahan sa kalye o kanto.

Personal naming na-experience ang surreal na karanasan na mapanood ng LIVE ang kanilang 

 games sa imbitasyon ng Paradise MegaBet team nina Mark Calicdan, Marketing Manager, Strategic Partnerships, Peter Munsayac, Head of R & D, at Shelly Flores, Marketing Manager, PR, Branding and Events kasama ang event host and PR na si Gian Carlo Vizcarra.

Nasa harap namin mismo ang mga dealer at Megabet girls habang ongoing ang mga laro kaya 101% sure na walang daya, mananalo ang dapat manalo.

Ang Fruit Color Game ay ang unang in-house game ng MegaBet ng Paradise.

Nakaaaliw ito dahil mga prutas tulad ng saging, niyog, papaya, mangosteen, rambutan, at langka ang pagpipilian upang manalo.

Kahanga-hanga at makabuluhan din ang tagline ng MegaBet na “Gaming can be addictive, know when to stop!”

Tagos ito sa puso at isip.

Ang pagsusugal, gawing libangan lamang para hindi makapipinsala.

Sinumang manlalaro, alamin kung kailan dapat tumigil, huwag sige nang sige hanggang malubog na sa utang at masira na ang kabuhayan ng pamilya.

Nakaaadik ang paglalaro kaya alamin kung kailan nararapat huminto.

Bukod sa online ay may physical branch sila sa Muntinlupa City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

SM Only Begotten Son

SM Mall of Asia Opens “The Only Begotten Son” at MOA Sky this Lenten Season

In a season marked by silence, sacrifice, and hope, SM Mall of Asia invites the …

SM Nuat Thai Chagee Tianlala

ALL FOR REAL: Best New Finds in Metro Manila with SM Supermalls

In life, we want nothing more than REALNESS. We cling to those who show true …