PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HMMM… sa mga lumalabas na tsika tungkol kina Barbie Forteza at Jameson Blake, parang si Barbie ang higit na mas “in love” kay Jameson.
Simula kasi nang pumutok ang usapin sa kanila, laging si Barbie ang lumalabas na ‘gigil na gigil’ o ‘di kaya naman ay parang laging ‘naghahabol’ kay Jameson.
Sa recent video and photos nila, makikitang si Barbie pa ang napabalitang nagpunta sa bahay nina Jameson at naki-bonding sa pamilya ng aktor, lalo na sa nanay nito.
Although may mga nagsasabi rin namang ipinakilala na ni Barbie si Jameson sa pamilya niya pero wala ngang mga post tungkol dito.
Magkasama sa Kontrabida Academy ang dalawa na malapit nang mapanood sa Netflix at balita ring may nilulutong project para sa kanila.
Well…
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com