
MALAKING bahagi ng wastong paggamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain sa tamang sukat. Bukod sa pag-iwas sa mga pagkain o inumin na maaaring makapagpalala sa kalagayan ng isang may sakit, depende kung ano ang karamdaman ninyo, makabubuti sa inyo kung kayo ay sasailalim sa isang cleansing diet.
Ang cleansing diet ay makakatulong sa pag-aalis sa inyong katawan ng mga toxic substances o mga dumi na maaaring makahadlang sa inyong paggaling at makapagpatagal pa sa inyong karamdaman.
Sa natural healing method, subok na ang bisa ng cleansing diet na kung tawagin ay CPC na ang ibig sabihin ay Carrot, Patatas at Camote. Ang bawat isa sa mga ito ay may kaukulang positibong dulot sa maysakit: ang carrot ay napatunayan nang nagtataglay ng anti-cancer properties, ang patatas ang nagsisilbing pagkain o laman-tiyan ng pasyente sapagkat ang sustansyang dulot nito ay carbohydrate, at ang camote naman ang siyang nagsisilbing fiber content na siyang ”pangwalis” sa laman ng bituka at tiyan.
Upang lalong maging mabisa ang CPC bilang isang cleansing diet, tiyaking sa paghahanda nito ay magkakasindami ang sukat ng Carrot, Patatas at Camote (equal parts). Walang isa sa tatlong ito ang dapat ay mas marami ang sukat sa iba. Halimbawa, kapag nasobrahan ninyo ang pagkain ng carrot, kayo ay maaaring manilaw at magkaroon ng tinatawag na ”Juandice”.
PREPARASYON
* Pumili ng sariwa at malulutong na mga carrot, gayundin ng sariwang patatas at camote.
* Hugasang mabuti ang mga ito at pagkatapos ay balatan at hiwa-hiwain ng maliliit.
* Pakuluan sa maraming tubig.
* Pagkulo, hanguin ang carrot,patatas at camote. Huwag itapon ang pinagkuluan. Ilagay ito sa thermos at ito ang siyang iinumin ninyo tuwing kayo ay nauuhaw. Dapat iinumin nyo ito ng mainit-init o maligamgam
* Lagyan ng isang baso na sabaw ng pinaglagaan at i-switch on ang blender/osterizer hanggang sa ang mixture ay mahalo ng husto.
* Pagkatapos ay alisin na sa blender/osterizer ang mixture, dapat ay kaagad ninyo itong kainin at dapat mainit-init o maligamgam nyo itong kakainin.
* Kapag may natira sa ihahandang CPC, ilagay sa refrigerator sapagkat ito’y madaling mapanis.
PREDIGESTED MEAL
Sa tuwing nagugutom kayo, kumain ng CPC. Huwag nang hintayin pa ang susunod na oras ng pagkain – ang CPC ay predigested meal kung kaya’t hindi makakasama sa inyo ang kumain nito sa tuwing nagugutom, at inumin ang sabaw na pinagpakuluan sa tuwing mauuhaw.
GAANO BA KATAGAL DAPAT MAG CPC?
Kung gaano katagal mag-CPC ay depende rin sa klase ng karamdamang nais nating gamutin. Halimbawa, kung constipation (hirap sa pagdumi) o loose bowel movement (pagtatae) ang problema, isa o dalawang araw lamang na cleansing diet at maaari na kayong gumaling.
Kung ang ginagamot ninyo ay mga galis at iba pang sakit sa balat, mag-cleansing diet hanggang sa makitang lumilinaw na ang kutis at nawawala na ang mga sugat. Kapag malubha na ang sakit, tulad halimbawa ng Cancer, goiter, kidney problems na kailangan na ng dialysis at iba pa, dapat ay mag cleansing diet hanggang sa tuluyang malinis ang mga impurities sa katawan at sa dugo.
Ang cleansing diet ay nagbibigay ng mga nutrients o sustansya sa mga cells ng ating Katawan, kung kaya’t natutulungan nito ang natural na immune system ng ating katawan, o ang proseso ng paglaban sa sakit tungo sa paggaling at panunumbalik ng kalusugan.
Sa isang may sakit na Cancer, ang mga cancer cells sa kanyang katawan ay naghihintay ng marurumi (toxic substances) at mga malalansang pagkain (tulad ng seafoods), at dahil dito lalong dumarami ang mga cancer cells na ito at naigugupo ang katawan ng maysakit.
Kapag kayo ay nag-cleansing diet, walang makakain na marumi ang inyong cancer cells at di mabubuhay ang mga ito. Unti-unting mamamatay ang mga cancer cells na ito at mabibigyang daan naman na muling mabuhay ang mga normal na cells, na siyang ikagagaling ng pasyente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com