PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NGAYONG umamin na si Cristine Reyes na may idine-date na siyang non-showbiz guy, matatahimik na ba ang mga nagtatanong ng nangyari sa kanila ni Marco Gumabao?
Kahit matinding bashing ang nakuha ni Cristine matapos mapabalitang nag-break na sila ni Marco, matapang pa rin itong nagsalita ng latest na ganap sa kanyang lovelife.
Since day one na naibalita natin ang hiwalayan nila ni Marco, bukod si Cristine lang ang may say at wala talagang anumang pahayag ang aktor.
At dahil wala naman yatang isyu na pag-uusapan, eto nga si Cristine at ipinangalandakan na may non-showbiz guy siyang kinakatagpo. As if naman ay hindi pa ito noon napag-usapan at nakilala ng madlang pipol?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com