MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG nakita ng Sparkle artist na si John Clifford si Joshua Garcia sa katatapos na 37th PMPC Star Awards For Television, na handog ng BingoPlus ay naguwapuhan at na-starstruck siya rito.
Kaya naman, nang manalo siya bilang Best New Male TV Personality, bago ang kanyang acceptance speech, ay nagbiro siya.
Aniya, “Can I introduce myself again? Kambal po pala ako ni Joshua Garcia. Hindi! Joke lang po.”
In fairness, marami naman ang nagsasabi na may hawig si Clifford kay Joshua.
Pagkatapos niyon, ay ibinahagi na ng bagets ang award na napanalunan niya sa Nasa Itaas.
“I share this award first and foremost with God. Nagpapasalamat po ako sa blessing na ito,” sabi ng binata.
Pinasalamatan din niya ang sitcom na Pepito Manaloto, na naging semi-regular siya rito.
Ito ang nagpanalo sa kanya.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang mga magulang na sina Daddy Dong at Mommy Pie, sa pagiging supporitive ng mga ito sa kanyang career.
Ganoon din ang kanyang management na Sparkle GMA Artist Center, at mga faney sa walang sawang pagsuporta sa kanya.
To John Clifford, our congratulations!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com