PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
IBANG klase talaga si Sarah Geronimo.
Nag-iisa at hindi pa rin talaga kayang kabugin ng kung sino mang magtatangka.
Sa last Sunday exposure nito sa ASAP with SB19 para sa promotion ng Umaaligid collab nila, walang magsasabing nag-lay low sa showbiz commitments niya ang pop royalty.
‘Yung hataw, ‘yung galaw ng katawan, ang giling, ang indayog ng balakang, ang kumpas ng mga kamay at paa, ang ikot, ang hampas ng buhok at ang mga lundag-talon na galawan, grabehhh ang husay!!!
Perfect na perfect nga ang collab nila ng SB19. Swak na swak ang swag, aura at lahat ng mannerisms nila.
Sana nga ay masundan pa ito dahil bagay na bagay sila ng SB19 at kayang-kaya nilang pataubin ang mga world-class performers noh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com