Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ikaw Ay Akin FDCP

Vilma Santos inapi sa poster ng restored classic film na Ikaw Ay Akin 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKITA namin ang promo material ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng restored classic film na Ikaw Ay Akin, kaugnay ng kanilang Philippine Industry Month this September.

Isa lamang ang 1978 classic movie na muling ipaplalabas at pag-uusapan ng mga Cineaste at Pinoy movie supporters, dahil isa nga ito sa makabuluhang movie sa bansa na pinagbibidahan nina Vilma Santos at National Artist Nora Aunor

Kasama pa si Christopher de Leon at idinirehe ng National Artist ding si Ishmael Bernal.

Ang siste, may tila kung anong “gimik” itong FDCP under Chairman Joey Reyes na ikinare-react ng mga masusugid na tagasubaybay, partikular ng mga Vilmanian.

Sa poster kasi ng Ikaw ay Akin na ginamit, mistulang isang maliit na ‘artista” si Vilma.

Bukod sa inilagay ang name nito under Christopher (with due respect sa pagiging icon ni Boyet), hindi hamak na binigyan ng maganda, importante, at malaking billing si Nora.

Kahit sabihin pang “tribute” ‘yun sa namayapang superstar, hindi pa rin magandang makita na “inapi o naapi” ang isang Vilma Santos dahil kahit noong 1978 nang ipalabas ang movie, both actresses were given their due as equally important and relevant actors. Hindi na naman namin siguro kailangang ipagyabang pa ang itinakbo ng karir ni ate Vi as an acting icon and movie queen/legend na hanggang sa mga panahong (1978-2025) ito ay sobrang relevant at importanteng artista pa rin sa industriya. 

Tinitingala, inirerespeto, at binibigyan ng wastong importansiya na na-extend pa nga sa ibang sektor at larangan na kanyang ginagalawan.

Something is truly off. May kung anong “malisya” na nais iparamdam o ipabatid ang FDCP o kung sino mang nag-take charge sa naturang promo material.

Sa panlasa ng mga nakaiintindi, may pang-iinsulto at pang-iinis na kung ano.

Para sa isang ahensiya na nagsusulong ng pagkakaisa at pag-promote ng mahusay na appreciation at pagtangkilik sa mga gawang lokal na pelikula, matatawag naming mapang-api at nagpapaka-eksklusibo ang halimbawang gawain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …