Sunday , February 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
7th Sinag Maynila 2025

Limang pelikula sa full length category itatampok sa 7th Sinag Maynila 

RATED R
ni Rommel Gonzales

GAGANAPIN ang 7th Sinag Maynila indie film festival sa September 24-30, 2025.

Lima ang napili sa kategoryang Full Length Feature at ang mga ito ay ang Candé ng direktor na si Kevin Pison Piamonte, na artista sina JC Santos at Sunshine Teodoro; Jeongbu ni direk Topel Lee na bida sina Aljur Abrenica, Ritz Azul, at Empress SchuckMadawag Ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) ni direk Joel Lamangan na bida sina Rita Daniela, Jak Roberto, at Albie CasiñoSelda Tres (Cell Number 3) ni direk GB Sampedro na artista niya sina Carla Abellana, JM de Guzman, at Cesar Montano; at ang Altar Boy ng direktor na si  Serville Poblete na artista sina Mark Bacolcol, Shai Barcia, at Pablo S.J. Quiogue.

Apat ang finalists sa Documentary-Open Call, samantalang sampu ang contenders sa Documentary-Students.

Labing-anim ang kalahok sa Short Films-Open Call, samantalang 25 ang kasali sa Short Films-Students.

Mapapanood ang film entries sa Sinag Maynila 2025 sa mga sinehan ng SM Mall of Asia, at SM Fairview, Gateway, Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.

Mura ang tiket sa mga sinehan sa halagang P250 lamang.

Ang Sinag Maynila ay itinatag nina direk Brillante Mendoza at Mr. Wilson Tieng noong 2015.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JMRTN Retrospect

Music video ng 2 kanta ni JMRTN ng Retrospect inilunsad

MATABILni John Fontanilla EKSAKTONG Araw ng mga Puso, February 14, 2026 naganap ang matagumpay na …

Sexbomb Get Get Aw sa UAE

Sexbomb concert ticket sa Dubai at Abu Dhabi nagkakaubusan  

MATABILni John Fontanilla SELLING like hotcakes daw ang ticket sa nalalapit na concert ng Sexbomb sa Dubai …

Rod Navarro Jr Coco Martin

Hugot ng galit ni Rod Jr kay Coco saan nanggagaling?

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST si Rod Navarro Jr. sa kanyang Facebook account na inakusahan niya si Coco Martin  ng …

Vice Ganda Alvin Aragon Izzy Trazona

Vice Ganda nagbiro sa ika-11 utos ayon sa asawa ni Sexbomb Izy na si Alvin

MA at PAni Rommel Placente TRENDING ang dating aktor na si Alvin Aragon nang mag-guest kamakailan sa …

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino

KimPau handog ang ibang ending at mga bagong eksena sa TV Airing ng The Alibi

MULING mababalot ng misteryo ang Primetime Bida sa pagbabalik-telebisyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil mapapanood na ang The …