PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MULI na namang hindi napapanood sa Eat Bulaga! sina Atasha Muhlach at R-Boney Gabriel.
Pagkatapos ngang magdiwang ng 46th anniversary ang show na masaya pang nakipag-Dabarkads ang dalawa, ay bigla namang hindi sila nasilayan muli.
Ayon sa aming napagtanungan, may mga kailangan pa palang tapusin si Atasha para sa Viva One series niyang Bad Genius, habang ang Miss Universe na si R’Boney ay bumalik muna sa USA para sa ilang mahahalagang dokumento na inaayos.
Kaya sa mga nagpapakalat na naman g tsismis at intriga na nagtuturo na sa pagiging maldita umano ni Maine Mendoza, magtigil po kayo dahil walang katotohanan ang mga lumabas na blind item.
Kumalat kasi na nagmamaldita raw si Menggay sa mga magagandang co-host dahil naiinggit ito at ayaw nitong nasasapawan.
Nandiyan na ang “insecurity item” lalo’t kalat na kalat na ang pagkaka-link ni Atasha kay Jacob Ang, ang anak ng mega-bilyonaryong si Ramon Ang ng San Miguel Corp at group of companies nito. Habang ang humuhusay naman at higit na gumagandang exposure raw ng 2022 Miss Universe na R’Boney ang tila nagbibigay ng pangamba kay Maine?
Luh, may ganyang tsismis at intriga talaga?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com