Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Sabrina M Rodante Marcoleta

Sabrina M, Sen Marcoleta nag-react sa parinig ni Vice Ganda

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DAHIL umabot na nga sa maraming lugar sa mundo na may active Pinoy communities ang isyu kay Vice Ganda, may mga nagsasapantaha na may “kilos o bahid politika” ang eskandalo.

Hindi na kami magugulat if one of these days ay makumbinsi iyan na pasukin ang politika. Sa dami ng isyu ng bansa na alam niya at nagagawa niyang halukayin sa mga palabas niya, pwede siyang manalo,” komento ng mga Pinoy netizen here and abroad.

Ang latest ngang mga personalidad na naglabas ng kanilang sama ng loob dahil sa paggamit ni Vice Ganda ng names nila ay sina Sabrina M at Sen Rodante Marcoleta.

Para sa mga taong sumasang-ayon kay Vice Ganda ay papansin lang at gusto lang makisakay ng mga ito sa usapin.

Pero sa mga marunong tumimbang ng isyu at tumingin sa kung paanong nakutya at ginamit ang names nila makapagpatawa lang, may sabit at palpak ang tv host comedian.

Hindi rin nakaligtas na banggitin kahit na ang insidenteng ukol sa tatay ni Vice Ganda na hindi naman naisapublikong dahilan and yet, sa mga nakaaalam umano ay bahagi nga ito ng isang pangit na nakaraan.

Ano kaya ang mararamdaman ni Vice kapag ginawa itong pulutan at pagtawanang topic ng mga tao?,”tanong ng netizen.

Nandiyan na ngang nakiusap na si Pokwang na huwag idamay ang may edad na ring nanay nito sa mga batikos ng dahil din sa pangyayari.

He can not avoid it so might as well he, be used to it unless she does or says something na ma-a-appease ang lahat dahil may balanse siyang manner ng pagpapatawa. O baka nga tama ngang magkaroon na siya ng political program dahil sa usaping politika at mga isyu, lahat pwedeng idamay at madamay,” dagdag pang reaksiyon ng netizen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …