Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PUSO NAIA

‘PUSO ng NAIA’ naghain ng petisyon sa Supreme Court vs mega hike fees

ISANG koalisyon ng airport workers, socio-civic organizations, at non-government groups ang naghain ng petisyon sa Supreme Court upang ipatigil ang pagtaas ng lahat ng airport-related fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tinutulan ng Pagkakaisa ng Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (PUSO ng NAIA) ang implementasyon ng Manila International Airport Authority’s (MIAA) Revised Administrative Order No. 1, Series of 2024, na nagbibigay ng kapangyarihan sa bagong private airport operator, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), na magtaas ng lahat ng airport-related fees sa NAIA.

Ang petisyon, na inihain sa pamamagitan ng law firm ni dating Congressman Kit Belmonte, ay kumukUwestIyon sa malakihang pagtaas ng airport fees sa ilalim ng kontrobersIyal na public-private partnership (PPP) deal sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng SMC-led NNIC.

Kabilang sa tinutulan na BAYARIN ang domestic passenger service charge — mula ₱200 patungong ₱390 (tumaas ng 95%); international passenger service charge — mula ₱550 na naging ₱950 (tumaas ng 73%), bukod pa sa 300% hanggang 700% pagtaas ng bayad sa airlines para sa landing, take-off, parking, cargo, at iba pang lease rates para sa commercial spaces sa loob ng NAIA complex.

Ayon kay Romeo R. Sauler, head secretariat ng PUSO ng NAIA at retiradong aviation employee na may 41 taong serbisyo, “Ang mga fees na ito ay inaprobahan nang walang tunay na public consultation, habang isinuko ng gobyerno ang mahahalagang regulatory powers sa isang private concessionaire. Karapatan ng publiko na magkaroon ng malinaw na paliwanag, at hindi basta singilin nang napakataas na bayarin sa paliparan.”

Ang petisyon ay inihain ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) sa pamamagitan ng presidente nitong si Gilbert Bagtas; OFW Wellness Family Association (OFW) sa pamamagitan ng chairperson na si Emma Flores; National Confederation of Labor (NCL) sa pamamagitan ng chairman na si Atty. Ernesto Arellano; Pinoy Aksyon for Governance and Environment (Pinoy Aksyon) sa pamamagitan ng presidente na si Ben Cyrus Ellorin.

Kabilang rito ang Political Officers League of the Philippines (POLphil) sa pamamagitan ng chairman emeritus na si Ricardo Serrano; Partido Lakas ng Masa (PLM) sa pamamagitan ng national president na si Leody De Guzman; Socialista, Inc. (Socialista) sa pamamagitan ng presidente na si Eden Villasin; at ang Freedom from Debt Coalition (FDC), sa pamamagitan ng presidente nitong si dating University of the Philippines — School of Labor and International Relations Dean Rene Ofroneo. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …