MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia sa April 2026. Ngayon pa lang kasi’y puspusan na ang ginagawang paghahanda ng binata para sa international competition.
Aniya, “I’m conditiong my mind, preparing myself mentally, inspiring myself, I’m working out more.”
Si Vanderlei, 17, 5’10”, ay Grade 12 student na ang advocacy ay ukol sa pagtataguyod ng mental health awareness sa mga kabataan.
Balak kumuha ng Theater Arts ni Vanderlei dahil pangarap niyang maging full-fledged actor. Unico hijo siya ng proud parents na sina Dennis at Charlene Zamora na kasama niya noong hapong iyon. Kaya kitang-kita namin sa mga ito kung gaano sinusuportahan ang hilig ng kanilang anak.
Ipinakilala ni National Director Charlotte Dianco si Vanderlei sa ilang piling entertainment media sa isinagawang press conference and sashing ceremony kamakailan kasama sina Miss Teen Universe Philippines 2025 Chiara Mae Vizcaya Gottschalk at Miss Teen Earth Philippines Meridith Bobadilla. Naroon din si Miss Teen Model International 2024 2nd Runer Up Dharella Anne Alconcel para magbigay suporta kay Vanderlie.
Bukod sa mga magulang full support din si Ms Charlotte gayundin ang Spring Fairy Entertainment Productions kaya nakatitiyak na nasa magandang pangngalaga ang binata.
Si Lance Raymundo II ang nagsilbing host ng hapong iyon.
Ayon kay Vanderlei, ito ang unang pagsabak niya sa pageant. “This is my first pageant. I wanted to join because personally, I love challenges. I like challenging myself, I like develop, try new things and yes that’s why po.”
Malaki ang tsanang masungkit ni Vanderlei ang titulo dahil kitang-kita ang confidence niya. Aniya, “I was really born this way siguro. I just like talking, I like people.”
Nasa dugo rin talaga ni Vanderlei ang showbiz dahil kamag-anak niya sina Lance at Rannie. Marunong din siyang kumanta at tumutugtog ng drums.
Sinabi pa ni Vanderlei na ang mindset niya ay, “The main goal is to win, it’s a dream come true kapag nangyari ‘yan. Apart of that main goal is to enjoy the moment, be the best it can be and also to discover myself. Because apart from the pageantry, I will learn a lot of things like ethics, understanding people.”
At dahil patok na patok ang PBB natanong ang binata ukol dito. “PBB, yes I thought of that, pero pageantry muna.”
Hindi pa man sinubukan ni Vanderlei ang pag-arte, sumasabak na siya sa workshop dahil mas gusto muna niyang ihanda ang sarili. “The audition part haven’t tried it, I’m preparing myself in enhancing physical appearance, my mindset, mentally and my relationship with God. Before I ge into that I want to make sure na ready na talaga ako.”
Nakatakda itaas ang watawat ng Pilipinas habang naghahanda si Vanderlei lumaban sa prestihiyosong Mister Teenager Universe 2026 sa Abril.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com