Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza P77

PTSD tinalakay sa nakababaliw na horror film ng GMA Pictures

RATED R
ni Rommel Gonzales

NGAYONG July 30, humanda ang moviegoers na magkatotoo ang pinakamasamang bangungot dahil handog ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, ang P77, isang psychological horror film na tiyak na magpapakapit sa inyong mga upuan.

Ang pelikulaay mula sa mga lumikha ng award-winning films na Firefly at Green Bones at ng box office hit na Mallari.

Tampok sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang horror film si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tiyak magpapamangha sa mga manonood.

Makakasama ni Barbie sina Firefly child star at award-winning child actor Euwenn Mikaell, veteran actors Jackielou Blanco, Carlos Siguion-Reyna, Gina Pareño, Rosanna Roces, kasama sina Chrome Cosio, at JC Alcantara.

Ukol sa pag-alis ni Luna (Barbie) sa kanyang trabaho sa cruise ship para tulungan ang may sakit na kapatid (Euwenn). Kalaunan ay malalaman niyang nawawala ang kanilang nanay (Rosanna), at patuloy pang lumalala ang kondisyon ng kapatid niya. Dahil dito, palihim nilang papasukin ang Penthouse 77, isang condo unit, ngunit madidiskubre nilang hindi ito isang ordinaryong penthouse.

Tatalakayin din ng pelikula ang PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder.

Napaka-grounded ng story namin – it revolves around family. It will also delicately delve into PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder. Aside from the jumpscare, this is also an awareness para mas lumawak ang ating intindi sa mga taong may PTSD,” ani Barbie.

Base angP77kuwentong likha ng  Greenbones creators na sina Anj Atienza at Kristian Julao. Ang screenplay nito ay mula ng award-winning writer na si Enrico Santos sa direksyon ni New Generation Thrillmaker Derick Cabrido na kilala sa kanyang mga successful horror movies kasama ang 2023 thriller film na Mallari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …