Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion Sharon Cuneta

Gabby sa pgpayat ni Sharon: Congratulations, she’s healthy, keep it up!

RATED R
ni Rommel Gonzales

HININGAN namin si Gabby Concepcion ng payo para sa mga “sira” ang puso o brokenhearted tulad ng co-star niya sa My Father’s Wife ng GMA na si Jak Roberto na break na kay Barbie Forteza.

“Well, eto na nga, kaya kami nagsasama ni Jak kasi marami kaming pag-uusapan, kasi siyempre ‘yung mga nangyayari sa showbiz, eh pang-showbiz lang talaga.

“So ‘pag nag-beach kami, siyempre mag-uusap kami ng kung ano-ano.”

Yayayain daw ni Gabby si Jak sa kanyang beach house sa Batangas.

“So iyon, siguro next interview na lang, sayang ‘yung information,” at tumawa ang aktor.

Pero sa pagkakaalam ni Gabby sa mga naganap, ang break-up nina Jak at Barbie, ano ang puwede niyang words of wisdom kay Jak ngayon?

Wala, move on lang, move on. Move forward. We don’t forget about the past, it’s hard to forget but we learn from it.”

Sila naman ni Sharon Cuneta, okay sila, ‘di ba?

Gusto ko nga may teleserye na rin kami eh,” bulalas ni Gabby.

Puwede ba?

Oo, puwede, tapos sama si Jak.”

Nahingan naman ng comment si Gabby sa balik-alindog ni Sharon na napaka-slim ngayon.

Uy, congratulations, ha! She’s lost a lot of weight, she’s healthy, keep it up!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …