Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jameson Blake Barbie Forteza

Jameson nagsalita na pag-uugnay kay Barbie: Inalalayan ko lang kasi ang daming tao

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY na ng pahayag si Jameson Blake tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Barbie Forteza.

May mga nagsasabi kasi na mag-jowa na sila dahil sweet sila kapag nagkakasama sa isang event  at nahuli/nakunan pa sila na magka-holding hands nang dumalo sa isang fun run.

Sa online show ni Ogie Diaz na Showbiz Update ay ipinakita rito na nag-text siya kay Jameson, para tanungin ang aktor kung ano ba talaga ang mayroon sa kanila ni Barbie.

Ang reply ni Jason, “Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao noong nagpa-picture sa kanya,” paliwanag ni Jameson.

Aniya, inaalalayan lamang niya si Barbie dahil baka dumugin na ang aktres.

I was just assisting her palabas. Gets ko naman people will think different. […] Kumbaga, crowd control ako that time. Inaalalayan ko lang si Barbie,” pagpapatuloy ni Jameson.

Kaya naman sinabihan ni Ogie ang mga netizen na huwag nang bigyan ng malisya ang friendship ng dalawa.

Unang inintriga ng netizen sina Jameson at Barbie matapos makitang sweet at malapit sa naganap na Lights, Camera, Run! (Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino) noong May 11.

Mas lalo pang umingay ang pang-iintriga sa dalawa matapos silang maispatang magka-holding hands nang may magpa-picture sa kanila sa isang fun run.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …