Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera

Marian ninenega, mga lumang issue ibinabalik

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DAHIL sunod-sunod ngayon ang paglabas ng mga “nega,”  sobrang lumang isyu na ang ukol kay Marian Rivera. Masasabi mo na lang talagang dahil lang sa bagong show na kasama si Yan, ang Stars on the Floor.

Simula nang bumisita sa It’s Showtime si papa Dingdong Dantes kasama si Miss Charo Santos para sa promo ng kanilang movie na nagkita muli ang aktor at dati nitong nakarelasyong si Karylle, hindi na tumigil ang paglabas ng mga “lumang” clips nila.

At talagang pinalalabas pa ng marami na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin nakaka-move forward si Marian lalo’t may post din ito days before the said guesting na umano’y patutsada nito.

Nakakaloka, kahit ang sobrang “old” na incident sa high school ni Yan sa isang classmate nito ay nagre-surface rin para patotohanan daw ang pagiging maldita and so on and so forth. Dagdag pa ‘yung naging rift niya kina Heart Evangelista at Bella Padilla, Katrina Halili, among others.

Hay naku, mapapa-hay ambot ka na lang talaga lalo’t ang latest show naman na kasama si Marian ay hindi lang siya ang bida.

Si Alden Richards ang main host, at uupong judge si Marian kasama nina Pokwang at coach Jay(choreographer ng SB19) while may celebrities at digital stars na mag-collab sa Stars on the Floor.

Yes, isang dance show na tiyak magvi-viral dahil legit na dance floor queen si Marian.

For all we know, idadaan na lang ni Yan sa pagsasayaw ang mga ganyang tsika. Sa June 28 na iyan mapapanood sa GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …