Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zaijian Jaranilla Jane Oineza Si Sol at si Luna

Mapangahas na serye nina Zaijian at Jane, magsisimula na sa Puregold Channel

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG kuwento ng pangungulila, pagluluksa, at kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng mga komplikasyon ng buhay –ito ang mapapanood sa “Si Sol at si Luna” na handog ng Puregold Channel. Ito’y isang mapangahas na digital serye na tampok sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza.

Magsisimula na ang inaabangang serye sa 31 Mayo, Sabado, ipinapangako ng palabas ang isang mahusay na naratibo na ikinuwento gamit ang mga kaakit-akit na biswal na hindi pa nakikita kailanman sa digital entertainment.

Mapapanood na sa Puregold Channel sa YouTube ang unang episode ng serye na pinamagatang “Babae sa Bus” at  sumusunod sa tauhang ginagampanan ni Jaranilla na si Sol, habang gumagawa siya ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Dito, hinaharap ni Sol ang hamong ibinigay ng kanyang propesor: gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan.

Ang tila imposibleng gawaing ito ang nagtutulak kay Sol patungo sa tahimik na pagdurusa ni Luna, na ginagampanan ni Oineza, at sa matatagpuan ng dalawang nawawalang karakter sa isa’t isa.

Sa pamamahala ng kilalang direktor na si Dolly Dulu, tampok sa Si Sol at si Luna ang makapangyarihang pagganap nina Jaranilla at Oineza na nagpapamalas ng lawak at galing nila bilang mga aktor.

Kilala ang Puregold Channel sa mga kuwentong hindi lamang nagiging viral kundi maganda at mahusay ang mga naratibo. Sa pagkakataong ito, handog naman ng Puregold ang pinagsamang kaakit-akit na cinematography sa digital na mundo.

Ibinahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, kung paanong tumataas ang antas ng seryeng ito kompara sa mga naunang handog ng Puregold. “Isa itong makasaysayang sandali para sa Filipino entertainment — isang bagong yugto sa pangako ng Puregold na maghatid ng mga kuwento na tunay na tumatagos sa puso ng mga Filipino. Ang unang episode ng Si Sol at si Luna ay tiyak na magdadala ng kakaibang karanasan sa isang platapormang libre at madaling mapanood ng lahat.”

Kasama nina Jaranilla at Oineza sa serye ang mahuhusay na artista na sina Joao Constancia, Karina Bautista, Cheena Crab, Marnie Lapus, Uzziel Delamide, Lyle Viray, Vaughn Piczon, Jem Manicad, at Atasha Franco.

Huwag palampasin ang bawat episode ng Si Sol at si Luna, mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa YouTube. Ang kahanga-hangang cinematography nito, tapat na diyalogo, at isang kuwentong pag-ibig ay tiyak na kokompleto sa inyong Sabado.

Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok para sa iba pang updates.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …