ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Atty. Rey Bergado na ang kanilang grupo na InnerVoices ay patuloy na tutugtog at lilikha ng musika para ihandog sa kanilang fans.
Since may bago silang vocalist, paano niya ide-describe ngayon ang InnerVoices?
Tugon ni Atty. Rey, “Same, pareho pa rin siya, pop rock na music… Of course may mga bagong infuse na songs sa amin, iyong mga expertise ni Patrick and we will do the old stuffs, so wala halos nabago.”
Si Patrick (Marcelino) ang bago nilang vocalist. Nagkuwento rin nang pahapyaw si Atty. Rey hinggil sa kanilang new singer.
“Si Patrick naman, noong 2020, the first time I heard him sing, sabi ko sa kanya, ‘Pare I don’t know why, pero down the line I know na makakasama kita. I don’t know when…’ Kasi, ang galing-galing niyang kumanta, kaboses niya talaga si Bruno Mars. Iyong mga local na kumakanta ng mga song ni Bruno, iyong mga Pinoy, sa tingin ko ay siya iyong pinakamalapit, e.”
Sinabi rin ni Atty. Rey na posibleng mas mapapakinggan nang madalas sa repertoire ng InnerVoices ang songs ni Bruno Mars, pati na ang usual 80s hits. At ang four new songs nila ay ipo-promote nila nang todo at posible raw na magkaroon sila ng EP.
Nabangggit din ni Atty. Rey na nang umalis ang kanilang dating vocalist, nakipag-meeting daw siya sa grupo at tinanong sila, “So, I asked each and everyone of them, ‘Okay, Angelo is leaving, so tayo ang maiiwan. So, ano ba iyong gusto ninyo, mayroon ba kayong sariling plano?’
“Binigyan ko sila ng sariling laya… and when everyone told me that they want to continue, I have to continue. So, ‘Okay’, sabi ko, ‘Gagawin ko ang lahat para mabuhay pa ang banda, matuloy natin, hahanap ako ng singer… As long na buo tayong lima.’ Kasi kapag may isa pang mawala sa amin, sabi ko, ‘Mahihirapan na ako niyan.’
“So, since buo iyong lima, kailangan ko lang maghanap ng singer, hindi ako nahirapan na itayo iyong banda and with new materials (four new songs) ay lalong lumakas iyong loob ko.”
Dagdag pa ni Atty. Rey, “Ang plano namin actually ay i-revive iyong mga lumang kanta ng InnerVoices. Kasi, my take is, bumalik kami sa rati. So, ito talaga ang music namin, medyo nag-divert nga kami the last time. So, balak naming kantahin at ibalik ang mga luma naming songs.”
Nagpapasalamat naman si Patrick sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga kabanda.
Aniya, “Okay po ako, dahil hindi mahirap makipag-work sa mga kasama ko sa InnerVoices po.
“I’m very grateful sa grupo. They welcomed me, I’m so very overwhelmed pa until now. I’m very happy (sa grupo), no pressure at all. I just can’t wait to showcase my talent to everyone and to release our original songs.”
Ayon kay Patrick, si Gary Valenciano ang kanyang number 1 favorite local artist. Kabilang naman sa favorite bands at influences niya ang Neocolours, Introvoys, at Freestyle.
Bata pa lang daw ay nagsimula na siyang magbanda, pinagsabay niya ang pag-aaral at pagbabanda.
“I started talaga joining the band when I was 18 years old. So, pinagsabay ko po iyon when I was in college, going to school in the morning and then singing at night,” kuwento pa ni Patrick na idinagdag na matagal din siyang kumanta sa Singapore.
Anyway, ang four new songs ng InnerVoices ay masarap pakinggan at potential hits ito. Ang mga bagong kantang ito ay ang Galaw, Idlip, Tubig, Hangin, Apoy, Lupa o THAL, at ang Meant To Be na si Atty. Rey mismo ang nag-compose noong 2016.
Bukod kina Atty. Rey at Patrick, ang InnerVoices ay binubuo nina Rene Tecson, Joseph Cruz, Joseph R. Esparrago, at Alvin Peliña.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com