Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa man naililibing, sumunod agad ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Tapos heto at ang OPM legend na si Hajji Alejandro ay binawian ng buhay.

Subalit ang lubos na nagdadalamhati ay ang mga Katoliko sa pagpanaw ng People’s Pope na si Pope Francis.

Inalala ng GMA 7 sa report kahapon sa Balitangtanghali ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa lalo na sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nag-iiyakan.

Samantala, si Ate Guy ay binigyang-pugay sa Metropolitan Theater at dinala sa Libingan mga Bayani with honors.

Sana nga eh matapos na itong sunod-sunod na kamatayan sa celebrities na parte na ng buhay ng mga Pinoy.

Kahit sabay ang coverage sa death ni Pope Francis at paglibing kay Nora, nagawa pa rin ng GMA News and Public Affairs ang lahat ng dapat malaman ng mga tao.

Huwag naman sanang kalimutan si Hajji na marami ring achivements sa musikang Pinoy.

Malungkot pero life has to go on! Ipagdasasal natin ang walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji at iba pang pumanaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …