Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Lito Lapid

Coco Martin itinuring na ‘ama’ si Lito Lapid

PERSONAL na nakiusap ang premyadong actor at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo na si Coco Martin sa mga Batagueño na iboto si Senador Lito Lapid (#35) sa nalalapit na 2025 elections sa May 12.

Sa kanyang mensahe sa proclamation rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Malvar, Batangas, hiniling ni Coco na iboto ng mga Batangueño si Lapid, ang Supremo sa Batang Quiapo.

Gusto ko rin po sanang hilingin sa inyo ang isa sa aking inirerespeto, mahal na kaibigan na itinuturing ko ring ama, hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi ko nakita sa kanya ang kabutihan, kababaang-loob, pagkilos at pagiging tapat, sana po ay suportahan din natin si Sen. Lito Lapid, number 35 sa balota.”

Sa mensahe naman ni Lapid, inendoso niya ang FPJ Panday Bayanihan partylist na pinangungunahan ni Bryan Poe-Llamanzares, anak ni Senador Grace Poe.

Sinabi ni Sen. Lapid na hindi niya malilimutan ang malaking naitulong ni Fernando Poe Jr.  sa kanilang pamilya dahil ang kanyang ama na si Jose Lapid ay naging stuntman noon ni Da King.

Namatay sa kandungan ni FPJ ang ama ni Lito habang ito ay dinadala papuntang ospital dahil sa kanyang sakit.

 “Walang Lapid sa pelikula kung walang FPJ. Noong ako po ay nagsimulang maging bida sa pelikula, sinuportahan po ako ni FPJ. Nagbida po ako noon sa ‘Jess Lapid Story.’ Wala po si Jess Lapid Sr. kung walang FPJ. Kaya po wala rin sa politika si Lito Lapid na nasa harap nyo ngayon kung walang FPJ,”  sabi pa ni Lito.

Si Jess Lapid Sr. ay tiyuhin ni Lito.

Nagkatrabaho sina FPJ at Lito sa pelikulang Kalibre .45 noong 1980, kasama ang namayapang siEddie Gardia. 

Bukod kina Lito at Coco, kasama rin sa nag-endoso sa FPJPB partylist si Lovi Poe, isa sa mga anak ni Da King.

Si Lapid ang awtor ng Eddie Garcia law na nagbibigay proteksiyon, pantay na karapatan at mga benepisyo sa lahat ng mga manggagawa sa showbiz at media industry. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …