Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Dr Mike Padlan son

Netizens kinampihan resbak ng anak ni Dr. Padlan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAKALOKA ang naging reaksiyon ng netizen hinggil sa tila resbak niyong anak ng doctor-lover ni Kris Aquino sa “painful truth” post ng huli.

May mga naniniwala na nagpapa-awa na lang si Kris sa kanyang sitwasyon.

“Ang hilig-hilig niyang mag-drama pag lovelife niya ang usapin. Naroong gamitin pa ang sakit niya para kaawaan siya at nag-aakusa siya ng dating karelasyon na kesyo ganyan, ganito,” reaksiyon ng isang netizen.

At dahil may inilabas ngang pahayag ang anak ni Dr. Mike Padlan, hayun parang na-boljak si Kris at sinampal tuloy ito ng katotohanan na hindi nga lahat ay keri niyang paikutin.

May nabasa pa kaming thread sa socmed na inisa-isa ang lahat ng mga lalaking naugnay kay Kris romantically na hindi naging maganda ang tingin sa kanila ng public after nilang maghiwalay.

Nandiyan sina Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap, Miel Sarmiento, Mark Leviste, at ang latest ngang si Dr. Padlan.

Hindi pa raw kasama riyan iyong naging “fling” o iba pang nakarelasyon ni Kris. 

Sa hinaba-haba ng matatawag nating pagdurusa ni Kris sa kanyang medical condition, hindi pa ba sumagi sa isip niya na baka nga “kapalaran” na ang gumagawa ng paraan para ipaalala sa kanya na hindi siya ‘diyos?’

Aguy uy!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …