Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buhain PAI Swim
PANGUNGUNAHAN ni  PAI Secretary General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain ang nakatakdang Philippine Aquatics Inc. (PAI)-organized Congressman Eric Buhain Cup sa  Sabado (Marso 15)  sa bagong itinayong Balayan Aquatics Center sa Brgy. Caloocan, Bahay, Batangas. (HENRY TALAN VARGAS)

PAI youth swimming program sa Southern Tagalog tampok sa Buhain Cup

MAHIGIT 300 swimmers mula sa mga inimbitahang paaralan, member club, at local government units (LGUs) sa rehiyon ng Southern Tagalog ang nakatakdang sumabak sa Philippine Aquatics Inc. (PAI)-organized Congressman Eric Buhain Cup sa  Sabado (Marso 15)  sa bagong itinayong Balayan Aquatics Center sa Brgy. Caloocan, Bahay, Batangas.

Sa pakikipagtulungan ng Southern Tagalog Amateur Swimming Association (STASA) at Speedo, ang isang araw na kaganapan ay bahagi ng walang humpay na pagsisikap ng PAI na kilalanin ang talento at palakasin ang grassroots sports program sa mga probinsya.

“Ang kaganapan ay nagtatapos sa isang maikling programa para sa groundbreaking para sa pagpapalawig at pagpapabuti ng swimming pool. Kailangan nating ayusin ang pasilidad na ito para hindi lamang Balayan, o Batangas bagkus para sa buong Pilipinas na magagamit ng ating mga kabataang manlalangoy,” ani PAI Secretary General Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

“Nakakataba po ng puso Ang Dami ng inaasahan natin na dadagsa sa acting munting paligsahan, na malaki naman Ang magiging ambag hindi lang sa pagpapaunlad ng ating programa para sa kabataan sa palakasan ng swimming. Ngayon pa lang Ang aming taus-pusong pasasalamat sa suporta.”

Iginiit ni Buhain ang pangangailangan para sa higit pang mga torneo upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga batang atleta na bumaling, at “bumalik” sa paglangoy bilang isang testamento ng tiwala at kumpiyansa sa pamunuan ng PAI mula nang sila ay maluklok kasama ang pangulong si Miko Vargas.

“Panahon na para ipakita ang tunay na potensyal ng paglangoy sa ating bansa, sa bawat sulok ng bansa. Olympics, susunod ka!”

“Lahat ng 17 miyembro ng rehiyon ay nagho-host ng mga tournament buwan-buwan. Sa aming panig, nagsimula ang PAI sa isang serye ng mga kaganapan sa parehong maikli at mahabang kurso sa aming kalendaryo. Kailangan nating i-sustain ang pagsisikap ng ating mga kabataang manlalangoy para maging mahusay at makapasok sa National Training Pool,” ani Buhain.

Idinagdag ni Buhain na inuuna ng PAI ang pagpapaunlad ng kagalingan ng mga coach sa mga nakatakdang seminar kabilang ang isasagawang pagtitipon sa Marso 24-15 sa Orchid Garden Hotel na tatampukan ni Olympic coach Derric Schoof ng Canada bilang speaker.

Sinabi ni PAI Executive Director Anthony Reyes na bahagi ng seminar ang pakikipag-ugnayan ni Schoof at ng kanyang protegee na si Kyla Sanchez sa mga piling miyembro ng national training pool at junior swimmers.

“Si Schoof ang coach ni Kyla (Sanchez) noong bahagi siya ng Canadian Team na nanalo ng Olympic relay medal. Marami matututunan sa aming mga lokal na coach, gayundin ang mga batang manlalangoy kapag nakipag-ugnayan sila kay Kyla,” ani Reyes.

Sinabi ni Reyes na nagsagawa rin ang PAI ng Life Saving/Emergency Care Seminar noong Pebrero 22-23 at Marso 1-2, upang magkaroon ng kamalayan at matutunan ang mga benepisyo ng paglangoy hindi lamang bilang isang isport kundi pati na rin sa pagliligtas ng mga buhay. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …