I-FLEX
ni Jun Nardo
ISA si senatorial candidate Bam Aquino sa tatlong senatoriables na susuportahan ni Ogie Diaz ngayong May elections.
Inhayag ito ng writer, manager, at You Tube content creator sa kanyang YT show, Ogie Diaz Showbiz Update, na ang snatoriables ang susuportahan niya.
“Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta ‘yung ilan lang sa kanila, ‘yung iba understood na.
“Si Bam Aquino, Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza na dating COA Commissioner,” sabi ni Ogie.
“’Yan, matino ‘yan, ako na ang nagsasabi sa inyo, matino ‘yang tatlo na ‘yan,” dagdag pa niya.
Sinuportahan din ni Ogie si Bam noong tumakbo ito sa senado noong 2019.
Maliban kay Ogie, marami pang ibang celebrtities na suportado ang pagtakbo n Bam gaya nina Dingdong Dantes, Edu Manzano, Janno Gibbs, Jolina Magdangal, Julia Barretto, Bea Binene, Rita Avila, at Alex Medina.
Pati mang-aawit, suportado rin si Bam gaya nina Mark Escueta, Bayang Barrios, Pio Balbuena, Celeste Legaspi, Mitch Valdes at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com