SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TUMANGGI nang magsalita ang tinaguriang The Revival King na si Jojo Mendrezukol sa pag-uugnay sa kanila niMark Herras.
Noong Martes, humarap si Jojo sa entertainment press para personal na iparinig ang kantang pinasikat ni Julie Vega noong 80’s, ang Somewhere In My Past na mismong si Mon Del Rosario na sumulat ng awitin ang pumili sa kanya para mag-revive mula sa napakaraming nag-audition.
Kasabay din niyon ang balitang pagpirma niya ng kontrata sa Star Music PH. Noong araw na ring ‘yon siya pumirma at nakasama sa contract signing ang mga executive ng Star Music na sina Roxy Liquigan, Jonathan Manalo, at Andie Arellano.
SA pagharap ni Jojo sa entertainment press, naurirat ito ukol kay Mark lalo’t nag-viral ang picture na magkasama sila at nagkita nila sa isang hotel casino kamakailan.
“No comment” ang sagot ng OPM artist.
Paliwanag ni Jojo, “Kasi kahit sabihin kong hindi, walang ganoon (relasyon). Iba pa rin ang paniniwalaan nila. So, saan ako lalagay? Kasi sa social media, ang mga tao ang daling mag-judge. Kung ano ‘yung nakikita nila, ‘yun na ‘yun.
“Hindi ko naman pwedeng i-explain to everyone, ito ang totoo, ito ang ganyan kaya sabi ko huwag na lang akong mag-comment tungkol diyan. Siguro kung makita n’yo siya, sa kanya n’yo na lang tanungin.
“Kasi sa aking side, ang dami ko nang pinagdaanan, family ko affected, tapos mga kaibigan ko tawag nang tawag sa akin. Pag-open ko ng cellphone ko, mukha ko agad ang makikita sa Google, sa Facebook, sa lahat.
“So, kumita naman ang marami sa social media, ang mga vlogger. So sa akin, hayaan na lang. Siguro one day, malalaman n’yo rin naman kung ano ang totoo.”
Pagkatapos mag-explain ni Jojo, kinanta niya angbagong hugot song na Nandito Lang Ako under Star Music composed by Jonathan. At habang kumakanta ay umapir si Mark na may dala-dalang bouquet of flowers at iniabot kay Jojo sabay beso at umalis na.
Pagkatapos umawit ni Jojo, inihayag ng talent management ng singer na Aqueous Entertainment na sumama ang pakiramdam ni Jojo kaya hindi na itutuloy ang question and answer portion o mediacon.
Anang Aqueous management, “To our dear guests last night, thank you for your support and making our Media Con successful and memorable for Jojo.
“We sincerely apologize if we cut the program short last night. Due to overwhelming atmosphere, Jojo had to excuse himself because of hyperventilation.
“But rest assured he’s ok now and in good shape. Sorry po sa mga hindi nakapagtanong kagabi, but I hope you all had a good time. Maraming salamat po sa inyong lahat!
Pero bago ang mga pangyayaring ito, naiyak na si Jojo dahil sa overwhelming support sa kanya ng entertainment media.