Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Soaking Powder Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Alipunga sa paa ng mga mekaniko tanggal agad sa Krystall Herbal Oil at Krystall Soaking Powder

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Good morning po sa inyo Sis Fely Guy Ong at sa lahat ng inyong staff.

         Ako po si Gilberto Inacay, 43 years old, isang mekaniko, naninirahan sa Apalit, Pampanga.

          Malaking problema ko po dito sa aking talyer ang pagbaha tuwing tag-ulan. Pero wala naman po kami malipatan kasi nga halos bumabawi pa lang kami mula sa pandemya.

         Sa kasalukuyan po habang wala pang tag-ulan at hindi pa bumabaha, hataw talaga ang ginagawa kong pagtatrabaho para makapag-ipon.

         Kasabay nito, nag-i-stocks na rin po ako ng Krystall Herbal Oil at ng Krystall Soaking Powder. Alam n’yo po ba kung bakit? Itong dalawang produkto ninyo ang nagpagaling sa alipunga sa aking paa at ng aking mga tauhan.

         Naku, grabe po talaga ang alipunga namin noong nakaraang tag-ulan at grabeng pagbaha dito sa amin.

         Mabuti na lamang at isang tao ko ang may dalang Krystall Herbal Oil. ‘Yung Krystall Soaking Powder, dinala ng misis niya. Ang ginawa po namin, nilinis muna namin ng guava soap ang aming mga paa, tapos ibinabad sa maligamgam  na tubig na may Krystall soaking powder. Mga 15 minutes pong nakababad tapos tutuyuin saka dadampian ng Krystall Herbal Oil.

         Sa maniwala po kayo’t sa hindi, kinabukasan tuyo’t na ang alipunga at parang nagtatanggal na lang ng libag kapag hinugasan ang paa.

         Kaya ako naman po’y labis na nagpapasalamat sa inyo, dahil sa napakahusay ninyong mga imbensiyon.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely.

Sumasainyo,

GILBERTO INACAY

Apalit, Pampanga      

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …