Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Luxe Beauty and Wellness

Marian Rivera muling pumirma ng kontrata sa Luxe Beauty 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang pasasalamat ni Marian Rivera dahil sa ikalawang pagkakataon muli siyang pinagkatiwalaan ni Ms Anna Magcawas ng Luxe Beauty and Wellness Group.

Noong Huwebes, muling pumirma ng kontrata si Marian sa Luxe Beauty na celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel. Dumalo sa contract renewal sina Jacqui Cara, Triple A Management Head of Operations and Sales, Triple A President and CEO Mike Tuviera, at Jojo Oconer, CFO and COO of Triple A.

Super excited ako na nandito today with Ecran de Luxe. Over the past one year sobrang dami na nating na-achieve together. At naniniwala ako sa magandang layunin ng Ecran de Luxe na most trusted sunscreen sa market today.

“Lagi ko sinasabi na ang partnership hindi lang tungkol sa negosyo. Malaki ang tiwala ko kay Ms Anna.

“We have exciting projects ahead and hindi na po ako makapaghintay na mai-share iyon,” ani Marian.

Idinagdag pa ni Marian na excited siya sa opportunity na magpatuloy, mag-grow at mag-innovate.

Ang Ecran kasi laging forward-thinking at marami kaming na-achieve before,” sabi pa ng aktres.

Sinabi naman ni Ms Anna na maraming factors ang pumasok sa desisyon na makipag-partner kay Marian.

Maraming factors, una  na ‘yung pagiging incredible ambassador ni Marian. Ang kanyang influence, authenticity, at creativity ay key drivers ng success namin,” wika ni Ms Anna.

“Pero bukod doon, ang pinakamahalaha is ‘yung alignment ng values. Si Maria  kasi embodies everything na gusto naming ipag-stand as a brand. At ‘yung connection na ‘yon ang isa sa major reason kung bakit sobrang effective ng partnership namin,” wika pa ng may-ari ng Luxe Beauty and Wellness Group.

Tiniyak naman ni Marian na marami ang matutuwa sa exciting plans nila ng Luxe. “I’m sure sobrang saya nila kapag nakita nila kung ano ang mga pinagkakaabalahan ng Ecran team para lamang sa mga loyal luxers.”

Sa huli sinabi naman ni Ms Anna na, “we’re excited for what the future holds with this continued partnership. 

Ms Marian and Ecrab de Luxe will be making some big moves in the coming months and we can’t wait to share more with all of you.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …