Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nicole Hyala Diego Bandido Bam Aquino

Nicole Hyala at Diego Bandido pinuri free college law ni Sen Bam

PINURI nina Nicole Hyala at Diego Bandido, hosts ng popular na Love Radio program na Kumikinang na Tambalan at mga iskolar ng college—ang free college law ni dating Senador Bam Aquino

Anila, dalawa na ang free college na nagbibigay pag-asa sa mga estudyante na ituloy ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral.

 “Ito ang nakalulungkot kung minsan. Maraming gustong mag-aral pero walang opportunity. Pero with that law, napakalaking bagay talaga. Sobra,” sabi ni Diego noong January 28, 2025 episode ng programa.

Sumang-ayon naman si Nicole. “Ang hirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan. Kaya mas maganda na mayroon. Binanggit ni Nicole na masuwerte siya at natapos niya ang kanyang kurso sa Assumption College sa pamamagitan ng scholarship dahil ang kanyang nanay ay empleado ng paaralan.

“Hindi ko makalilimutan kung paano talaga pinush ng nanay ko na makapag-aral talaga ako ng maayos dahil iba talaga ang edukasyon,” sabi ni Nicole na naging president pa ng Assumption Student Council. 

Para kay Diego ang kagustuhang iangat ang pamilya mula sa kahirapan ang nagtulak sa para mag-aplay ng scholarship mula sa isang foundation. “Ang haba ng pila. Nagulat ako nakapasa ako. Ang sarap ng feeling noong nakuha ko iyong scholarship at natapos ko ang four-year course,” anito.

Sinabi naman ni dating Senador Bam, na naging guest sa kanilang show, ang free college law ay nakatulong sa milyon-milyong mag-aaral sa buong bansa na kapos sa budget para makatapos ng kolehiyo. 

Pag-ikot natin, marami talagang magulang, kabataan, nakapagtapos kami dahil sa batas. Ang ganda ng batas na iyan dahil nakatutulong sa tao,” sabi ni Bam. 

Kung mahahalal sa senado, balak ni Bam na palawakin ang free college law at tumulong sa pagkakaroon ng trabaho ang mga Filipino. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …