Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Sam Milby Rhea Tan Beautéderm Audrey

Jennylyn at Sam nagdiwang ng Chinese New Year sa Beautéderm Headquarters, Rhea Tan inilunsad ang Audrey bags

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKIISA sina Jennylyn Mercado at Sam Milby sa pagdiriwang ng Chinese New Year ng Beautéderm Corporation. Pinangunahan ang naturang okasyon ng CEO at founder nitong si Rhea Tan last Wednesday sa Angeles City.

Taon-taon ay ipinagdiriwang ng business mogul at ng kanyang kompanya ang Chinese New Year para magpasalamat at mag-manifest pa ng blessings.

Sa kanyang speech, sinabi ni Tan na ang taong ito ay ukol sa progress, transformation, at wealth.

Aniya, “When you’re in business, you have to constantly coming up with new ideas and exploring new possibilities, and each new year should bring about progress not only in business but also as a person.”  

Present din dito ang iba pang Beautéderm ambassadors na sina DJ Chacha, Kitkat, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Anne Feo, Ervic Vijandre, Thou Reyes, Pepita Curtis, Maricel Morales, anak niyang si AJ Morales, at Wency Lagumbay.

Pati na ang mga lokal ambassadors na sina Atty Nicolette Henson, Voltaire Zalamea, Mich Viray, Frederick Policarpio, Marlon Tuazon, Ning Cordero, Dr. Minnie Uy, at Mutya Ning Kapampangan, Natalya Linsay.

Nagpasalamat din si Ms. Rhea sa Beautéderm endorsers sa pagdalo ng mga ito at sinabing ang kanilang presensiya ay nagdagdag kinang at saya sa event.

Bukod sa selebrasyon ng Chinese New Year, inilunsad ng Beautéderm CEO ang kanyang bagong negosyo, ang AUDREY, isang luxury house para sa genuine leather bags. Kasama sa mga materyales na ginamit ang premium genuine cowhide at lambskin leather.

“The launch of our new venture, AUDREY, which sells luxury leather bags, represents progress. This new endeavor aims to promote local craftsmanship while showcasing what a Philippine brand has to offer the world. And I am optimistic about 2025 and proud of this brand, built with style and brilliance,” pahayag pa ni Ms. Rhea.

Ang pagkahilig ni Tan sa mga designer at luxury items ang nag-udyok para mag-invest sa A-List Avenue, isang boutique na naglalaman ng mga tunay at high-end designer pieces. Matatagpuan dito ang mga limited-edition na Hermes Birkin at Kelly bags gayundin ang iba pang prestihiyosong brand gaya ng Louis Vuitton, Chanel, at Gucci.

Rito rin madalas kumuha ng kanilang mga bag at relo ang mga kilalang personalidad at content creators. Mahigit dalawang taon ng bukas ang A-List Avenue, na matatagpuan sa parehong gusali, at tampok dito ang marangyang ambiance na nagbibigay ng eksklusibo at pang-VIP na karanasan sa bawat kliyente.

Si Tan, sa kabila ng kanyang abalang schedule ay patuloy na naglalaan ng oras para matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang kompanya.

Nananatili siyang optimistic sa 2025 at nais na maabot ang mas maraming local and international consumers.

Ang kanyang Beautéderm Corporation ay mayroon na ngayong anim na sub-brands, kabilang ang Beautéderm, BlancPro, Beauté Beanery, BeautéHaus, Belle Dolls, at AUDREY.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang kanilang social media pages: @beautedermcorporation @blancproofficial @belle_dollsph @alistavenue @audreyluxury @shopaudreybags @beautehausclinic @beautebeanery.

Samantala, aminado si Jennylyn na bilib siya kay Ms. Rhea bilang isang mahusay na businesswoman.

Pahayag ng Kapuso aktres, “Isa siya sa mga tinitingala ko pagdating sa business. Kasi, talaga namang alam ko iyong story niya noong nagsisimula pa lang siya at kung paano niya napalago ang Beautederm, very inspiring.” 

Ano ang reaction niya na magiging part na rin ng Beautederm si Dennis Trillo?  

“Siyempre masaya, excited ako for him. Kasi siyempre bagong endorsement… Bukod doon, masarap maging kasama rito sa Beautederm family. Alam ko naman kung gaano ka-loving si Ate Rei. Napaka-generous niya, maya’t maya kinakamusta niya kami,” nakangiting wika pa ni Jennylyn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …