PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HALA, ano naman kaya ang gimik ng PBB sa tila sinasadya nilang paglalagay sa mga alumni sa mga show na naba-bash ang ending?
Kamakailan matindi ang bashing na natanggap ni Fyang dahil sa mga eksena niya kina Martin Nievera at Pops Fernandez, with Ogie Alcasid on the side pa.
Pati nga kami na nag-relay lang ng tsika ay nakatanggap ng bashing sa mga fan ni Fyang na feeling mga superior at wala raw pakialam kung hindi namin kilala ang idol nila hahahaha.
Medyo may comprehension problem lang ang mga fan dahil hindi nila inunawa ang pag-opinyon namin na bilang “host,” dapat ay nag-research man lang o binigyan ng “info” ang gaya ni Fyang na mag-i-interview ng gaya nina Martin, et al. Mag-research about the subjects at huwag iasa sa kung anong sinasabi ng nasa script.
Sa kaso naman nitong latest victim ng bashing na si Jarren Garcia, bina-bash ito dahil sa bulol-bulol at mali-maling pag-pronounce ng names ng celebrities na nagpunta sa lamay ng yumaong Queen of Phil Cinema na si tita Gloria Romero.
Dapat daw na hindi ito pinagkatiwalaan na ilagay sa ganoong sitwasyon dahil bukod sa solemn at marami ang nag-aabang sa naturang news, masyado raw mabigat na segment ang ibinigay dito.
Ni wala nga raw kabuhay-buhay ang pag-deliver nito ng balita kaya’t imbes na ma-feel mo ‘yung simpatya at lungkot ng pagyao ng isang institusyon sa showbiz, matatawa ka sa bulol-bulol na pagsasalita ni Jarren.
Any comment Kuya?