Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Pepe Herrera Sampung Utos Kay Josh

Pepe bet na bet gampanan ang role na Satanas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naman po yata siya nagalit, kasi po hindi naman siya sumigaw.” Ito ang tinuran ni Pepe Herreranang usisain namin sa kanya kung totoong nagalit ang kanyang ama sa pagganap niyang Satanas sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh ng Viva Films, Anima, at Sine Arcade na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw, Miyerkoles, Enero 29.

Paglilinaw ni Pepe, nagtampo ang kanyang ama pero hindi nagalit.

Parang nagtampo yata. Kasi mayroon po kaming parehas na paniniwala pero hindi pagkakaiba. Kaya minsan we just agree to disagree with respect,” pagpapalawig pa ni Pepe.

Hindi naman niya tiyak kung manonood ang kanyang ama pero yayayain niya raw ito sa regular showing ng Sampung Utos Kay Josh.

“Sana sumama siya,” sabi pa ng magaling na aktor.

Ginampanan ni Pepe ang papel na Lods sa pelikulang Rewind at dito sa Sampung Utos Kay Josh ay satanas. Ani Pepe parehas lang para sa kanya ang papel na ginampanan at hindi siya nahirapan. “Kasi magaling akong aktor,” anito.

Sinabi pa ni Pepe na hindi siya nahirapan i-portray ang isang satanas. “Sa karanasan ko hindi naman siya mahirap. Iba-iba kasi ang interpretation ng mga pelikula ng director sa satanas. May ipino-portray na satanas na nakakatakot, mayroon namang pilyo, may mapang-akit, sira-ulo, roon yata ako sa sira-ulo.”

Idinagdag pa ng aktor na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role.  “Kasi bilang isang tao na namumuhay ayon sa palagay ko gustong mangyari ng ating Maylikha para sa ating lahat, naniniwala po ako na kailangan bilang isang artista gampanan ko po ang buong sakop ng buhay at kabilang buhay para mas maunawaan namin nang husto kung ano nga ba ang tama o mali, ang itim sa puti, ang mainit sa malamig at kung ano pa ang iba.”

Inihayag pa ni Pepe na madasalin siya at idol niya si Papa Jesus. “Born Catholic ako at palagi akong nagdarasal sa araw-araw hindi ko po nabibilang kung ilang beses sa isang araw. Basta po kapag nararamdaman ko na gusto ko magdasal at kailangan kong magdasal sa isang araw kesyo kumakain ako, kesyo umiihi ako, kesyo bago ako matulog, kahit ano ang ginawa ko, nagdarasal ako.”

Wala namang restriction si Pepe sa paggawa ng komedya.  “Basta para sa akin ang ipinapahiwatig namin ay katotohanan, walang limitasyon para sa akin. May mga ilang bagay lang na hindi ako komportable kasi palagay ko mas magaling na magagampanan ng kapwa ko. Roon ko sasabihin na gusto kong gawin iyan pero mas mabibigyan ng hustisya iyan ni Jerald Napoles, so hahayaan kong gawin niya iyon.“

Ukol sa role na ayaw niyang gawin pero kaya niya ay ang magpakita ng private parts bilang paggalang at pagpapahalaga niya sa kanyang anak na babae.

Pangarap naman niyang makasama sa pelikula sina Nora Aunor at Vilma Santos dahil aniya magagaling ang mga ito gayundin si Maricel Soriano“Sa mga lalaki naman ay sina Noni Buencamino…marami pero ito iyong mga nauna kong naiisip, pangalawa si Luv Diaz, at pangatlo si Ronnie Lazaro.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …