Thursday , February 13 2025
Sampung Utos Kay Josh Jerald Napoles Pepe Herrera

Jerald, Pepe wagi sa pagpapatawa sa Sampung Utos kay Josh 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANALO sa katatawanan ang bagong handog na pelikula ng Viva Films, Anima, at Sine Arcade ngayong 2025, ang Sampung Utos Kay Josh na pinagbibidahan nina Jerald Napoles at Pepe Herrera.

Click na click sa mga nanood ng pelikula na ginanap ang premiere night noong Lunes ng gabi sa SM The Block Cinema 3 na present ang lead stars na sina Pepe at Jerald. Nakakangawit nga sa panga ang pelikulang ito dahil mula umpisa hanggang katapusan, tatawa ka nang tatawa. 

Ang Sampung Utos Kay Josh ang comedy film na hindi pilit magpatawa. Sayang nga lamang at hindi na narinig ng writer nitong si Sherwin Buenvenida kung paano niya napatawa ang mga manonood dahil pumanaw na ito bago pa maipalabas ng pelikula dahil sa kanser sa baga.

Kapuri-puri ang pagkakasulat ni Sherwin sa Sampung Utos Kay Joshua na sa mga unang tagpo ay nakaiinis subalit itatama iyon sa bandang dulo kaya maraming matututunan sa pelikulang ito.

Iikot ang istorya ng pelikula kay Josh (Jerald), isang loan executive na pinalaki ng kanyang ina na mabait, conservative, at relihiyoso. Katunayan lagi niyang sinusunod ang Sampung Utos ng Diyos.

Lagi ring handa si Josh na tumulong sa iba dahil naniniwala siyang kapag ginawa niya ito, may matatanggap siyang gantimpala mula itaas.

Kasama rin sa pelikula sina Albie Casiño, Debbie Garcia, James Caraan, at GB Labrador. Ka-join din sina Bobot Mortiz, Irma Adlawan, Ashley Rivera, at Donna Cariaga.

Bukod sa magandang buhay mayroon si Josh kasama ang ina, mayroon pa siyang magandang fiancée at promotion sa trabaho.

Ngunit biglang darating ang sunod-sunod na kamalasan sa kanya, madadamay sa scam na maglalagay sa kanya sa panganib; hihiwalayan ng dyowa; at magkaka-cancer ang kanyang niya (Irma).

Kaya mapapaisip at mapapakuwestiyon si Josh sa lahat ng kanyang pinaniniwalaan, dahil pakiramdam niya ay pinarurusahan siya sa kabila ng lahat ng kabutihan na kanyang ginawa.

Kaya para makabawi at makaganti kay Lord, magpapasya siyang suwayin isa-isa ang Sampung Utos at dito na nga magsisimula ang mga nakawiwindang na twists and turns sa kuwento kasama ang bagong katropa ni Josh – si Satanas (Pepe).

Ang galingg-galing nina Jerald at Pepe. Grabe ang tandem nila. Magaling din si Irma sa eksena nila ni Jerald habang nasa ospital.

Sa mga eksena nina Jerald at Pepe tiyak na hindi mo mapipigilan ang pagtawa dahil sa pagbato nila ng punchline. Lalo na ang mga “for adults only” na pinaggagawa ni Pepe kay Jerald habang nasa “impiyerno” sila.

Bongga talaga si Jerald dito dahil pumayag siyang maghubo’t hubad sa pelikula na kung ilang beses ipinakita ang kanyang wetpaks.

Pero sabi nga, the more na tumawa ka, maiiyak ka dahil sa hatid na mensahe ng pelikula. Ito iyong tagpo ng mag-inang Jerald at Irma. Kung ano iyon, hindi ko na masyadong ie-elaborate, aba panoorin ninyo dahil tiyak na masisiyahan kayo sa pelikulang ito. 

Rito’y pinatunayan ni Jerald na keri niyang magpatawa at magpaiyak. At sa galing ni Irma hindi nagpahuli o nagpalamon si Jerald.  

Sampung Utos Kay Josh is not merely a film—it is a visceral, cathartic experience that delves into the heart of what it means to be human, challenging us to confront our deepest fears and emerge, perhaps, stronger for the journey,” ani direk Marius Talampas na siya ring nasa likod ng 2018 comedy-heist film, Ang Pangarap Kong Holdap. 

Palabas na sa mga sinehan nationwide ang Sampung Utos Kay Josh simula ngayong Miyerkoles, January 29, 2025. Watch n’yo guys kung gusto ninyong ma-relax at matuwa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Litrato ni Nadine sa Siquijor pinusuan ng netizens

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang mga larawan ni Nadine Lustre na kuha sa Siquijor …

Liza Soberano, Enrique Gil, Lizquen

Liza kinompirma teleserye nila ni Enrique

MA at PAni Rommel Placente TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil na kilala …

Pernilla Sjoö Philmar Alipayo Andi Eigenmann

Pernilla Sjoo sa isyung 3rd party kina Andi-Philmar: I’m still human, I feel hurt, it cut’s deep

MA at PAni Rommel Placente UMALMA  at nagsalita na ang Swedish girl bestfriend ni Philmar Alipayo na …

Miguel Vera, original drag queens, Rdee Asadon magsasama-sama ngayong Araw ng mga Puso sa Music Box

Miguel Vera, original drag queens, Rdee Asadon magsasama-sama ngayong Araw ng mga Puso sa Music Box

HARD TALKni Pilar Mateo MUNISIPALIDAD sa bayan ng Iloilo ang Dingle.  Roon pala nagmula ang …

50th Santacruzan Binangonan

50th anniversary ng Santacruzan sa Binangonan pinaghahandaan na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGPULONG ang mga pangunahing komite ng nalalapit na 50th anniversary …