Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mikee Morada Alex Gonzaga Toni Talks

Alex Gonzaga muling nakunan sa ikatlong pagkakataon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NALAGLAG muli ang dinadala ni Alex Gonzaga  sa ikatlong pagkakataon. 

Ito ang kinompirma ng asawa ni Alex na si Mikee Morada sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nitong Toni Talks, nakaranas muli ng miscarriage si Alex noong December 2024. Ito’y matapos makunan ang aktres ng dalawang beses mula nang ikasal sila ng 2020.

Noong nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa ‘yung ultrasound,” ani Mikee.

“To be honest, kami ni Catherine (Alex), noong nalaman namin na pregnant siya, hindi namin talaga akalain, wala kaming plano.

“Ang plano namin, baka posibleng mag-prepare muna ng katawan, IVF, pero naturally pa rin, gusto naming subukan,” pagbabahagi pa ng mister ni Alex.

Hindi raw umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ni Alex. “Hanggang doon sa pangatlong linggo, eh, sabi sa amin niyong doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.’ (Ang blighted ovium ay ang pag-develop ng fertilized sa uterus pero hindi natutuloy sa embryo).

Napag-alaman din ng mag-asawa na mahina ang heartbeat ng ipinagbubuntis ni Alex.

Pagdating namin sa ultrasound na ‘yun, mayroong bata sa loob, may baby sa loob. Naiyak ako noong narinig ko ‘yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.

“Nalaman namin na mababa ‘yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, tin-try namin habulin, baka ma-save pa ‘yung baby,” sabi pa ni Mikee.

At sa ikalawa nilang pagpapatingin, doon nila nalamang wala nang heartbeat ang sanggol.

Strong siya, eh (Alex). Pero noonh umuwi kami ng gabi, roon siya nag-breakdown,” kuwento pa ni Mikee.

Sa pangyayaring ito tiniyak naman ni ni Mikee na hindi magbabago ang pagmamahal niya sa asawa. 

At the end of the day, kahit anong mangyayari, biyayaan man tayo o hindi, kahit tayong dalawa lang magkasama, okay lang.

“Every experience makes our relationship stronger. Kung iisipin ko noong 2019, para lang kaming nagbabahay-bahayan, but now we’ve been through so much together,” giit pa ni Mikee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …