DINOMINA ni Diego Jose Dimayuga ng PH developmental pool ang boys division habang humabol sa takbuhan si Lauren Lee Tan ng Ormoc upang tanghaling mga kampeon sa Under 15 Youth sa unang leg ng National Age Group Triathlon (NAGT) Series na ginanap sa Boardwalk ng Subic Bay Freeport sa Olongapo City.
Unang umahon si Dimayuga sa 500 meter swim bago nanguna sa 1km bike at 750m run upang solong tawirin ang finish line sa 30:55 minuto at patatagin ang kanyang tsansa na makasama sa Asian Youth Games (AYG).
“I think I really did a good job in the run. I really pushed myself in the swim. I know my competitors are good in the bike that is why I did a breakaway in the swim. It was not really about the gold because what I really wanted to get is my Personal Best,” sabi ng 13-anyos at Grade 7 sa Singapore Manila Green Campus na si Dimayuga.
“It was really about my time. I want to explore many competitions and the world of triathlon. I want to compete in the Southeast Asian Games and also in the Youth Olympic Games. Hopefully, the Olympics also,” sabi ni Dimayuga.
Kinailangan naman ng mahiyain na si Tan ng Ormoc Aquatic Edge na bumalikwas sa pagkakaiwan sa swim bago inagaw ang unahan sa bike saka tuluyang tinapos sa takbuhan ang pag-angkin sa gintong medalya na pinakauna nito sa pagsali sa national triathlon event.
“This is my first gold,” sabi ng 12-anyos at graduating student sa St. Paul’s School sa Ormoc City. “This is my second time to compete in NAGT and first one is a silver medal. I am so happy to win this tough competition,’ sabi ni Tan.
Pumangalawa naman kay Dimayuga si Pio Mishael Latonio ng Get Coach’D Academy (31:34m) at pumangalawa si David Mora ng TNST / Sante Barley TriTeam (31:39m) habang pumangalawa kay Tan na may 34:07 minutong oras si Christy Ann Perez ng TLTG GFG PH (34:27m) at pangatlo si Alaina Bouffaut ng Cet Coach’D Academy (35:04m).
Nagwagi naman sa 6-under boys si Ruan Azriel Santos ng Olongapo Junior Trackers Multisports (12:19m) habang si Jan Christel Culanag ang wagi sa girls (13:18m).
Kampeon sa Boys 7-8 si Eli Julian Dela Cruz ng TLTG – GFG-Cebu (13:43) kasunod sina Theodore Caleb Son ng TriVatan (14:27) at Jiro Tamayo ng Olongapo Junior Trackers (14:46). Wagi naman sa Girls 7-8 si Abigael Gouffaut ng Get Coach’D Academy (16:02m) kasunod si Stacey Ailia Aisha Escala ng Olongapo (16:35) at Zia Angel Da Silva ng TLTG Go for Gold (17:34m).
Panalo sa Boys Kids 9-10 si Gabriel Tapuro ng Team Megawide (24:02m) kasunod sina Nathaniel Rafael Macasaet ng Gold Flippers Swim Club (24:30m) at John Luigi Remolino ng TLTG GFG Ph (24:50m).
Wagi sa Girls 9-10 si Pia Gienne Meiko Gito ng Sante Barley TriTeam (23:22m) kasunod sina Juriel Brooke Julian ng Olongapo Track Team (24:35m) at Angeli May Casera ng GAS Coaching (24:45m).
Ginto sa Boys 11-12 si Pele Matteo Latonio ng Get Coach’D (32:02m) habang pilak at tanso sina Chris Donovan Lacuna ng Olongapo Junior Trackers (32:19m) at Oliver Kurt Alingarog ng DLSZ Tri Team (32:24m).
Kampeon din sa Girls 11-12 si Elise Salas ng Olongapo (33:06m) kasunod sina Naomi Rosalie Dimayuga ng Get Coach’D Academy (33:50m) at Saffi Vanicka Son ng TLTG GFG Cebu (34:08m). (HATAW Sports)