Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAGT Triathlon

350 Super Kids, mag-aagawan sa Asian Youth Games slot 

PAG-AAGAWAN ng kabuuang 350 kabataang tri-athletes ang nakalaang silya sa gagawin na Asian Youth Games (AYG) sa pagsikad ngayon ng National Age Group Triathlon (NAGT) Series sa Subic Bay Freeport.

Sinabi ni Triathlon Philippines (TriPhil) president Tom Carrasco na nakataya ang mga importanteng puntos para sa kategorya na 6-years old under, 7-to-8 years old, 9-to-10 years old, 11-to-12 years old, at 13-15 years-old Super Tri-Kids na pagbabasehan para sa ipapadala ng bansa sa AYG. 

“These age group events are all basis para sa ipapadala natin sa AYG, and also to these year’s Southeast Asian Games and to the Asian Games, and maybe to the Olympics,” sabi ni Carrasco. 

Unang isasagawa Sabado ang Super Kids division at Under 15 Youth bago sundan sa Linggo ng Elite at Junior Elite na katatampukan naman ng mga kabilang sa national developmental pool at mga papaangat na bagong triathletes. 

Idinagdag ni Carrasco na ang mga oras ng mga triathletes sa resulta ng NAGT ay isasaalang-alang sa pagraranggo ng mga Filipino athletes para sa biennial games sa Disyembre.

Dalawang atleta para sa indibidwal na mga event sa men at women triathlon at siyam naman para sa team relays ang bubuo sa pambansang koponan.

Pagkatapos ng National Age Group Triathlon, gaganapin ang mga karera sa Aquathlon at Duathlon sa Marso 1- 2 sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Cavite.

Magkakaroon din ng NAGT 2025 sa Visayas na gaganapin sa Ormoc City at sa General Santos City para naman sa mga taga-Mindanao na nagnanais na maging parte ng national team.  (Hataw Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …