Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz Franseth

Seth mas feel ang tagumpay kung kasama si Francine 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Seth Fedelin sa pagkilalang natanggap sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024, ang Breakthrough Performance para sa pelikulang My Future You na pinagbidahan nila ni Francine Diaz at gumanap siya bilang si Lex.

Ani Seth, “Sobrang thankful ak sa sarili ko kasi binigyan niya ako ng lakas na gawin iyong mga proyekto na kagaya niyon.

“Sa mga taong nagtiwala sa akin, ang ABS-CBN, ang Dreamscape na unang nagtiwala at sumugal sa talento ko na uamrte, siyempre sa Regal family na nagtiwala sa amin para umarte, at sa buong cast na supporive sa amin ni Francine.”

Aminado si Seth na dahil sa pagkapanalo, nagkaroon iyon ng pressure sa pagtanggap niya ng roles at para lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-arte.

“Sobra. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko sa stage noon, pero at athe end of the day, pag-uwi ko sa bahay after that awarding, sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang worth it,” pagbabahagi ng aktor.

Naibahagi pa ni Seth na gusto naman niyang gumawa ng aksiyon. 

“Gusto ko ng drama pero gusto ko rin masubukan ang bad boy. Gusto ko masubukan ang action pero paunti-unti, gusto ko pag-aralan ang action. Bida na action. Kadalasan kasi nagagawa ko mabait, anak ng ganyan. Gusto ko maranasan ‘yung challenge na paano ako maginoo pero ano kaya itsura ko kapag dinagdagan ng angas ‘yung isang character,” ani Seth.

Sa ngayon, abala si Seth sa teleseryeng Nobody kasama sina Francine at Gerald Anderson.

Ukol naman sa tanong kung okey lang na hindi sila magkasama ni Francine sa isang proyekto, sinabi nitong, “Kung ako po, gusto ko na kasama si Francine. Hindi ko masabi kung gaano kahaba pero gusto ko siyang kasama hangga’t maaari. Kapag aakyat ako sa entablado gusto ko naroon siya. Gusto ko ang pelikula namin ang dahilan ng pag-akyat namin sa entablado.”

Pero naiintindihan naman daw niya sakaling may mga proyektong hindi sila magkasama ng screen partner niya.

May mga panahon na isa lang. May mga karakter na gagampanan niya na hindi rin ako kasama at may karakter na ako lang. Pero alam ko susuportahan ko si Francine,” wika pa ng aktor.

Ang Nobody ang muling pagtatambal ng FranSeth sa telebisyon matapos ang matagumpay na Dirty Linen.

“Itong Nobody ang pinaghahandaan namin ngayon kasi matagal din kaming hindi naka-TV series. So excited kami na gawin ang ‘Nobody,’” sabi pa ni Seth.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …