Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Leviste Aira Lourdes Aquino Lopez

VG Mark Leviste may bagong Aquino sa kanyang buhay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PROUD na ipinakilala ni Lipa Vice Governor Mark Leviste sa amin ang kasama niyang babae nang makipista rin sila sa isang bahay sa Lipa City noong Lunes ng gabi. Ipinakilala niya iyon bilang si Aira Lopez.

Si Aira ay isang sports, lifestyle, fashion, or triathlete vlogger and Sparkle GMA artist at dahil sa pagiging triathlete rito sila nagkakilala ni VG Mark. 

Pagpapakilala ni VG Mark kay Aira, iyon ang kanyang girlfriend for five months. Kaya naman pagkatapos kumain ay nag-request kami ng isang panayam. Noong una ay ayaw nila pareho lalo na si Aira na may pagkamahiyain at mas gusto niyang low profile lamang sila.

Subalit dahil sa kapipilit, pinagbigyan nila ang aming kahilingan. Nagpaunlak sila pareho sa aming request na ma-interview sandali. Kaya naman ang una agad naming inalam ay kung paano sila nagkakilala at kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Nag-try siya before mag-triathlon,” panimula ni Aira.

“Social media,” sabi naman ni VG Mark.

“I do sports kasi, parang natuwa raw siya sa mga video ko kasi I vlog on Youtube,” susog pa ni Ara.

“I remember one of your ride na ginawa rito sa Batangas, ang Batangas Racing Circuit in Rosario. We have a motor race track in Rosario and then I saw her biking around a race track, I got curious. I’m the head of Tourism in our province. Then I realized na pwede pala kahit hindi automotive or motorcycle roon sa race track. I though it’s the one way to actually utilize the race track. Tapos of course she’s a beautiful face and a popular influencer so I thought she could help promote the province of Batangas in terms of tourism promotion and development,” pagbabahagi ni VG Mark.

At pagkaraan, nag-follow na si VG Mark sa social media account ni Aira. 

“Kaya pala every post ko naka-like siya. Parang super admirer. Sa tingin ko, ‘makulit ito a.’ Pagbigyan ko na nga, joke!,” biro ni Aira. “Roon nag-start,” sabi pa ng dalaga.

Six months ang getting to know stage nila bago tuluyang sinagot ni Aira ang vice governor na ngayon ay tumatakbong kongresista ng Batangas.

“On the fifth month doon siya nag-yes,” sabi ni VG Mark.

Natanong si VG Mark kung bakit finally ay ini-announce niya sa public ang ukol sa kanilang relasyon.

“Wala naman akong ina-announce eh, hinugot lang ang post niya noong isang araw. It went viral eh,” sagot ni VG Mark.

“It’s a fun video lang,” pagkaklaro ni Aira.

“Pumutok kasi ‘yung lata ng softdrink sa ref niya and nilinis ko. Nag-alala ako na baka langgamin, ipisin,” kuwento ni VG Mark.

“Nilinis niya lang ang ref and then nag-video lang ako, then nag-2M views agad,” ani Aira.

Nagulat sila and marami nagtanong ano bang mayroon sa akin, anong mayroon sa kanya? Ma-effort kasi sobra,” giit ni Aira.

At dahil ang buong pangalan ni Aira ay Aira Lourdes Aquino Lopez, tinanong namin ito kung kamag-anak ba siya ng mga Aquino lalo na ni Kris na na-involve rin kay Mark.

“She’s also in Tarlac,” sambit ni VG Mark.

“And nalaman niya na Aquino rin ako noong 2nd month na namin. Hindi niya alam na Aquino ako. And sinabi ko sa kanya na, ‘aware ka ba na Aquino ako?’ and then he said, ‘no way!’ Hindi siya aware,” kuwento ni Aira.

Pero hindi talaga siya related kay Kris Aquino o sa mga kilalang Aquino, ani Aira.

Aware si Aira na naging karelasyon ni VG Mark si Kris dahil fan siya ng aktres/tv host. “Fan ako ni Kris, sinabi ko iyon noong first dinner namin. At nagtanong pa nga ako kung ano nangyari sa kanila. Sabi ko baka siya ang may….hmmm,” kuwento pa ni Aira na naging crush din niya si James Yap noon dahil mahilig ang kanyang pamilya na manood ng basketball.

“We’re friends now with James kasama naming nagba-bike,” pagbabahagi pa ni Aira.

At dahil sa pag-amin nina VG Mark at Aira sa kanilang relasyon, nakatatanggap sila ng mga positive at negative comments.

“As far as I’m concerned and my social media pages are concerned I recevied nothing but positive and good and encouraging comments,” sambit ni VG Mark.

Aminado naman si Aira na kinabahan din siya sa pakikipagrelasyon kay VG Mark ukol sa mga sasabihin ng tao. “Matagal na rin naman ako sa social media, kinabahan din naman ako  kung tatanggapin ba ng tao lalo na sa age gap.  

“Twenty years kasi ang age gap namin. Pero as long as it makes me happy, it’s real, deadma sa basher,” matapang na tinuran ni Aira.

“At saka totoo iyong age doesn’t matter kasi hindi ko naman feel na may age gap, in fairness naman,” dagdag pa ni Aira.

“Kasi pinababata niya ako physically, emotionally, mentally. So we run together, we workout or exercise together. Now I’m getting her in sa pag-golf na fashion ko. And ako naman napapatakbo dahil sa kanya.

“At maganda talaga ang influence niya sa akin, very inspirational and motivating,” pagtatapos na ni GV Mark.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …